December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Herlene Budol, sa pempem ng nanay niya humuhugot ng utang na loob

Herlene Budol, sa pempem ng nanay niya humuhugot ng utang na loob
Photo courtesy: Screenshot from Ano Na Tea? (YouTube channel/GMA Public Affairs)

Kinaaliwan ng mga netizen ang sagot ni Kapuso actress-beauty queen Herlene Budol sa tanong sa kaniya ni "Unang Hirit" weather at sportscaster Anjo Pertierra kung saan siya humuhugot ng inspirasyon sa pagtanaw ng utang na loob sa mga magulang.

Nakapanayam kasi ni Anjo si Herlene sa "Ano Na Tea" podcast na mapapanood din sa YouTube channel ng GMA Public Affairs. Umikot ang paksa nila sa "Utang na loob, hanggang kailan dapat tanawin?"

"Kung usapang pagtanaw ng utang na loob sa magulang, number one ako d'yan!" pahayag ni Herlene.

"So, puwede bang humingi ng back story, saan mo hinuhugot 'yan?" follow-up na tanong ni Anjo.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Pabirong sagot ni Herlene, "Sa sinapupunan ng nanay ko, sa pempem niya, Kasi siyempre doon ako nanggaling!" hirit ni Herlene.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Hindi utang na loob tawag nyan.. is pagmamahal mo sa magulang mo kahit anong mangyari kasi Dika naman aabot sa ganyang edad oh anong naabot mo sabuhay ko Di dahil sa mga magulang mo lalo na sa iyong ina kaya nakaka proud yong mga anak na mahal nila magulang nila kahit may hidwaan pa sila"

"Sa amin we honor our parents it's our obligation kasi dyan kami nang galing takot kami sa ruling araw na pinabayaan baka habang buhay pag sisihan.we do it with live and care."

"Nakakatakot mindset NG ibang millennials at gen z ngaun masyadong nilamon NG Sistema... May narinig Kasi ako don sa isang vlog na ganito ang Tanong at may nagsabi na di dapat ginagawang utang na loob Kasi yung magulang naman daw ang naghahanap NG anak at katungkulan bilang magulang ang mag provide SA kanila (edit - sa mga triggered dyan, it's not about obligation what I'm trying to convey here, it's about UTANG NA LOOB dahil nabuhay ka at nadyan ka dahil SA kanila, palitan mo nat lahat di mo mapapalitan magulang mo.)"

"Sobrang hirap ng ina sa panganganak at pagdadala sa sinapupunan nya hanggang sa mkatapos ng pag aaral pägkatapos un mind set ng anak na hindi responsable ng anak ang magulang may point sya don pero hindi dapat na kalimutan ang pagtanaw ng utang na loob sa magulang ung hirap ang magulang at matitiis ng mga anak sobrang sakit at nkkadurog ng puso un dating matatag at matapang down na down na."

"May point naman si Herlene hahahaha."

"Huy Herlene hindi lang sa pempem ng nanay mo, sa sperm din ng tatay mo hahaha."

Napag-usapan din sa nabanggit na podcast ang tungkol sa usapin ng pagtanaw ng utang na loob sa magulang, lalo na sa nangyari sa pamilya ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo at mga magulang na sina Angelica at Mark Andrew Yulo.