Maagang pinakyaw ng “Filo-ARMYs” ang ilan sa exclusive merch ng BTS Pop-Up: Space of BTS sa isang mall sa Pasay City.
Ang naturang Pop-Up store ay binuksan sa publiko noong Nobyembre 2, 2024 na magtatagal hanggang Disyembre 31, 2024. Halos tatlong araw matapos itong buksan para sa Filo-ARMYs, agad daw na nagkaubusan ang ilan sa mga exclusive BTS merch.
Bukod sa kumpleto rito ang BTS merch inspired sa solo albums ng OT7, isa sa mga ipinagmamalaki ng naturang Pop-Up store ang handmade bag series na kagaya ng Buslo Micro Bag (₱4,800), Puso Micro Bag (₱ 3,700), Wonton Bag Charm (₱850), Sobre Bag Charm (₱850).
Maliban din sa handmade bag series na hango sa tanyag na basahang Pinoy, bida rin dito at isa sa pinakamahal na merch, ang isa pang handmade barong na nagkakahalaga ng (₱30,000) kung saan naka-embroider ang sikat na drawings ng BTS members na si RM, Jin, Suga, J-Hope, V, Jimin at JungKook. Limited stocks lang din ito na mayroong 15 piraso maaaring mabili ng publiko.
Pinilahan at nagkakaubusan na nga rin ang iba pang merch nila rito katulad ng BTS tumbler na may free name engraving with anik-anik merchies din.
Photo ops din ba ang hanap mo? Kumpleto rin ‘yan dito, dahil bukod nga sa exclusive photo booth nila na nagkakahalaga ng ₱300, mayroon din silang selfie spot from the latest BTS Festa 2024.
Pero ang tanong, magrerestock pa ba sila? Ayon sa panayam ng Balita sa kanilang crew, sa darating na Nobyembre 7 ang restocking ng lahat ng exclusive merch na nauna ng na-sold out.
Anywayyy, here is a friendly reminder from your fellow ARMY, gusto mo rin ba makaiwas sa mahabng queeing? This is your sign na dayuhin ang BTS Pop-Up store around 7:00 ng gabi, dahil bukod sa makakaiwas ka na sa pila, makakapili ka talaga ng budol deals!
Ang BTS Pop-Up store ang ikalawa sa maituturing na “magic shop” ng Filo ARMYs matapos ang matagumpay na BVerse experience na nagtapos noong Setyembre 2024.
KATE GARCIA