December 27, 2024

Home BALITA National

Robin Padilla, kinampanya si Donald Trump: ‘Only Trump can save the world from war’

Robin Padilla, kinampanya si Donald Trump: ‘Only Trump can save the world from war’
MULA SA KALIWA: Sen. Robin Padilla at US Presidential Candidate Donald Trump (Photo: Padilla/FB; Evan Vucci/AP via MB)

Nagpahayag ng suporta si Senador Robin Padilla para kay United States presidential candidate Donald Trump nitong Martes, Nobyembre 5, at sinabing nabalot umano siya ng “matinding kalungkutan” nang matalo ito kay President Joe Biden noong nakaraang halalan sa nasabing bansa.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Padilla ang kaniyang post noong 2016 kung kailan niya kinampanya si Trump at naluklok bilang pangulo ng US.

Nakasaad sa post ni Padilla noong 2016 na binoto ng kaniyang misis na si Mariel Padilla at pamilya nito si Trump.

“Immigration is never my problem because I am a Filipino by choice so I do not have any plan of embracing another citizenship. My concern is for the good of the collective, World Peace and the END of economic terrorism,” anang senador sa kaniyang 2016 post.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Samantala, sinabi ni Padilla sa kaniyang bagong post na labis daw siyang nalungkot nang matalo si Trump noong 2020 elections laban kay Biden.

“Noong 2020 elections hindi man personal na nakavote si Mariel sa Amerika at ako rin ay hindi na nakapagkampanya dahil sa shocked na ibinigay ng pandemic, Hindi pinalad si Ginoong Donald Trump na manalo. Nabalot ako ng matinding kalungkutan sa pagkatalo ni Trump dahil naniniwala po ako talaga hanggang sa mga Oras na ito, Only Trump can save the world from War, ani Padilla.“My dearest countrymen living as dual citizens in the United States of America. Vote for World Peace, Vote for Trump. Fighting without fighting is the true trait of a leader. Trump tayo mga kababayan,” saad pa niya.

Nitong Martes isinasagawa sa US ang eleksyon kung saan kalaban ni Trump sa pagkapangulo si Vice President Kamala Harris.