November 05, 2024

Home BALITA National

Marce, malapit nang itaas sa ‘typhoon’ category; Signal #1, itinaas sa 5 lugar sa Luzon

Marce, malapit nang itaas sa ‘typhoon’ category; Signal #1, itinaas sa 5 lugar sa Luzon
Courtesy: PAGASA/FB

Lalo pang lumakas ang bagyong Marce at malapit na itong itaas sa “typhoon” category, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Martes ng umaga, Nobyembre 5.

Base sa tala ng PAGASA kaninang 5 ng umaga, huling namataan ang sentro ng Severe Tropical Storm Marce 735 kilometro ang layo sa silangan ng Baler, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 135 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pa-northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.

National

Marce, itinaas na sa ‘typhoon’ category; 12 lugar sa Luzon, nasa Signal #1

Dahil dito, itinaas na sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Batanes

Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands

Northern at eastern portions ng Isabela (Maconacon, San Pablo, Palanan, Dinapigue, Santa Maria, Cabagan, Tumauini, Santo Tomas, Ilagan City, Divilacan, San Mariano)

Northern portion ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Calanasan, Flora, Pudtol)

Northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Dumalneg, Adams, Bangui, Burgos, Pasuquin, Vintar)

Base sa forecast track ng PAGASA, posibleng mag-landfall ang bagyong Marce sa vicinity ng Babuyan Islands o sa hilagang bahagi ng mainland Northern Cagayan pagsapit ng Huwebes ng gabi, Nobyembre 7, o Biyernes ng madaling araw, Nobyembre 8.

“Due to uncertainty in the strength of the high pressure area north of MARCE, the forecast track may still change and bring the landfall point to mainland Cagayan-Isabela area,” dagdag ng weather bureau.

Samantala, posibleng lumakas pa ang bagyo at umabot sa “typhoon” category ngayong Martes. 

Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Biyernes ng gabi o Sabado ng madaling araw, Nobyembre 9.