Itinaas na ang Signal No. 1 sa 14 lugar sa Luzon dahil sa Typhoon Marce na lalo pang lumakas, ayon sa 5:00 PM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Martes, Nobyembre 5.
Base sa tala ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Typhoon Marce 480 kilometro ang layo sa silangan ng Echague, Isabela.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 160 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas na sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:
Batanes
Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands
Ilocos Norte
Ilocos Sur
Apayao
Abra
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Northern portion ng Benguet (Mankayan, Buguias, Kabayan, Bakun, Kibungan, Atok, Bokod)
Isabela
Nueva Vizcaya
Quirino
Northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora)
“Minimal to minor impacts from strong winds are possible within any of the areas under Wind Signal No. 1,” anang PAGASA.
Base sa forecast track ng weather bureau, magla-landfall o lalapit ang bagyong Marce sa Babuyan Islands o sa hilagang bahagi ng mainland Northern Cagayan pagsapit ng Huwebes ng tanghali o gabi, Nobyembre 7.
Samantala, inaasahang patuloy na lalakas ang bagyo at posibleng maranasan ang “peak intensity” nito bago mag-landfall sa Babuyan Islands o Cagayan.
Maaaring lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Biyernes ng tanghali o gabi, Nobyembre 8.