January 23, 2025

Home SHOWBIZ

Kathleen Hermosa, ni-reshare post tungkol sa Labubu bilang 'devil's pet'

Kathleen Hermosa, ni-reshare post tungkol sa Labubu bilang 'devil's pet'

Usap-usapan ang pag-share ng isang Facebook account na nakapangalan kay "Kathleen Hermosa" kaugnay sa isang post patungkol sa doll craze na "Labubu."

Matatandaang may naglalabasang conspiracy theory na ang Labubu ay hindi dapat tangkilikin ng Christians, dahil cute at adorable man daw ito sa paningin, subalit ito raw ay "devil's pet."

"Be vigilant guys," aniya sa caption.

Pahabol pa ni Kathleen sa comment section, "Ang tulis pa! Parang nagplan magveneers pero di tinuloy ni Doc Dentist kasi nagbounce ang payment na cheque! Hay, dami na interpretation at times in my head!!"

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Marami pa naman sa mga sikat na celebrities ngayon ang nangongolekta ng labubu dolls gaya nina Marian Rivera, Heart Evangelista, Andrea Brillantes, Jinkee Pacquiao, Ruffa Gutierrez, Vice Ganda, at iba pa.

Ilan sa mga netizen naman ang natawa na lamang sa nabanggit na claim, na wala raw basehan.

Kabilang ang mga labubu sa The Monsters Series na inspirasyon naman sa Nordic Mythology na kinahiligan naman ni Kasing Lung habang siya ay nagkaka-edad.

Noong 2019 ay nakipagsosyo siya sa Chinese toy company na "Pop Mart" para sa manufacturing ng Labubu Dolls.

Ngayong 2024, lubusang nauso ang pangongolekta ng Labubu Dolls.

MAKI-BALITA: Mga Kristiyano, binalaan; Labubu Dolls, likhang demonyo?