November 23, 2024

Home BALITA National

Kamara, ‘di papayag na muling bumalik panahon ng kadiliman at kasamaan – Romualdez

Kamara, ‘di papayag na muling bumalik panahon ng kadiliman at kasamaan – Romualdez
House Speaker Martin Romualdez (file photo)

Binigyang-diin ni House Speaker Martin Romualdez na hindi papayag ang House of Representatives na “muling bumalik ang panahon ng kadiliman at kasamaan” matapos niyang depensahan ang pag-imbestiga ng House Quad Committee sa madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ito ni Romualdez sa kaniyang talumpati sa pagpapatuloy ng mga sesyon sa Kamara nitong Lunes, Nobyembre 4, na inulat ng Manila Bulletin.

“Sa mga nagtatangka na pigilan tayo sa paghahanap ng katotohanan at katarungan, isa lamang ang sasabihin ko sa inyo: hindi kayo magtatagumpay sa masamang hangarin ninyo,” ani Romualdez habang kaharap ang mga kapwa niya kongresista.

“Dahil unti-unti na nating nakikita ang liwanag at katotohanan, asahan natin na lalo pang titindi ang pag-atake sa ating institusyon. Subalit hindi tayo matitinag. Hindi tayo papayag na muling bumalik ang panahon ng kadiliman at kasamaan,” saad pa niya. 

National

Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang

Matatandaang sa pagdinig ng House quad comm noong Oktubre 11, 2024, emosyunal na ipinahayag ni retired police colonel Royina Garma na iniutos umano ni Duterte ang pag-aalok ng reward para sa Oplan Tokhang sa bansa, na kapareho raw ng “template” sa Davao.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, nag-offer ng reward para sa drug war killings — Garma

Pinabulaanan naman ng dating pangulo ang nasabing pahayag ni Garma.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, itinangging nag-alok ng ‘cash rewards’ para sa drug war

Samantala, nagsagawa ng parallel investigation ang Senado hinggil sa nasabing drug war, kung saan sa naging pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Oktubre 28, 2024, sinabi ni Duterte na hindi siya hihingi ng tawad sa nasabing programa dahil ginawa raw niya ito para sa bansa.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, ‘di hihingi ng tawad hinggil sa drug war: ‘I did it for my country!’

KAUGNAY NA BALITA: Utos ni Ex-Pres. Duterte sa mga pulis: 'Barilin mo sa ulo...'

KAUGNAY NA BALITA: Ex-Pres. Duterte, iginiit na ‘wag panagutin mga pulis sa drug war: ‘I take full responsibility’

Noong Hunyo ng taong ito nang ihayag ni human rights lawyer Chel Diokno na base sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyon ni Duterte, 20,322 drug suspects umano ang napatay sa giyera kontra droga sa bansa mula lamang Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.

MAKI-BALITA: 20,332 indibidwal, napatay sa ‘drug war’ ng Duterte admin – Diokno