Tila hindi pa rin magawang palitan ni BINI Maloi Ricalde ang nakasanayan niyang fashion sa kabila ng kasikatang natatamo niya sa kasalukuyan.
Sa latest episode kasi ng “On Cue” nitong Lunes, Nobyembre 4, ibinahagi ni Maloi kung bakit gustong-gusto pa rin niyang bumili sa mga ukay-ukay.
“That’s promote sustainable fashion,” saad ni Maloi. “Also, parang I like unique pieces po. Vintage, gano’n. Tapos kakaiba. ‘Yong parang akala mo normal shorts ta’s biglang may lace sa baba.”
Dagdag pa niya: “‘Yong parang ang daming surprises. Parang ang daming texture na hindi mo siya makikita sa mall or sa online. So, I love ukay.”
Ang ukay-ukay ay isang paraan ng pamimili kung saan hinahalukay ng mga bumubili ang tambak na mga lumang damit hanggang sa makahanap siya ng maayos-ayos na isusuot sa murang halaga.
Pinaniniwalaang lumawig umano ang ganitong kultura ng kalakaran ng pagbebenta noong 1980 sa lungsod ng Baguio.