November 23, 2024

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Protocol license plates ng sasakyan ng government officials sa Pinas

ALAMIN: Protocol license plates ng sasakyan ng government officials sa Pinas
Photo courtesy: Presidential Communications Office via MB/ Special Action and Intelligence Committee for Transportation (FB)

Rumatsada at nagtangkang pumasok sa Epifanio De Lo Santos Avenue (EDSA) busway noong Linggo, Nobyembre 3, 2024 sa bahagi ng northbound Guadalupe station, ang isang sport utility vehicle (SUV) na may plakang number 7, upang makadaan at makaiwas marahil sa mabigat na daloy ng trapiko.

Kitang-kita sa video ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) na habang kinakausap ng dalawang kinatawan ng SAICT ang driver at mga sakay nito, ay bigla na lang itong humagibis ng takbo at namuwestra pa ng dirty finger.

MAKI-BALITA: Sasakyang may plakang No.7 dumaan sa EDSA busway; nag-dirty finger at tumakas

Naalarma naman dito si Senate President Francis "Chiz" Escudero at ipinag-utos ang agarang paghahanap at pag-iimbestiga kung sino ang may-ari ng nabanggit na sasakyan, lalo na't number 7 ang protocol plate number nito.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

MAKI-BALITA: SP Chiz, nais matukoy ang senador, driver na dumaan sa EDSA busway

Nitong Linggo, Nobyembre 4, sinabi ng Land Transportation Office (LTO), na batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay "peke" raw ang nabanggit na plaka.

"The initial information we have based on the assessment of the pieces of evidence at hand is that the '7' protocol plate attached to the SUV in the viral video is fake, and that there was no protocol plate issued to the same type of vehicle," mababasa sa ipinadalang pahayag ng LTO sa flagship newscast ng ABS-CBN na "TV Patrol."

Ang number 7 sa plate number ng isang sasakyan ay nangangahulugang pagmamay-ari ito ng isang senador.

MAKI-BALITA: Plate number 7 ng SUV na ilegal na pumasok sa EDSA busway, peke—LTO

ANO-ANO NGA BA ANG BAGONG ASSIGNED PROTOCOL LICENSE PLATES NG SASAKYAN NG MGA POLITIKO SA PINAS?

Noong Abril 2024, inilabas ng Palasyo ng Malacañang ang kautusan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na i-regulate ang protocol licensed plate number ng mga public official, sa bisa ng Executive Order No. 56 series of 2024. Inamyendahan nito ang Executive Order No. 400 series of 2005 ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Pinirmahan ito ni PBBM noong Marso 25, 2024. 

Nakabatay naman ito sa Republic Act (RA) No. 6713 o ang "Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees," na kailangang may polisiya ang Estado sa pagsusulong ng "high standard ethics" pagdating sa serbisyo publiko.

"It has been observed that complaints about the proliferation and unauthorized use of protocol license plates continue to increase over the years, threatening public safety and undermining the integrity of vehicle registration," mababasa sa nabanggit na atas ng pangulo.

Kaya narito ang mga bilang ng plate number ng isang sasakyan at kung ano ang katungkulan sa gobyerno ng may-ari nito:

1- President

2- Vice President

3- Senate President

4- Speaker of the House of Representatives

5- Chief Justice of the Supreme Court

6- Cabinet Secretaries

7- Senators

8- Members of the House of Representatives

9- Associate Justices of the Supreme Court

10- Presiding Justice ng Court of Appeals (CA), Court of Tax Appeals (CTA) at Sandiganbayan, at Solicitor General

11- Chairpersons ng Constitutional Commissions and Ombudsman

14- Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines at Hepe ng Philippine National Police

"All other officials with equivalent rank as the above authorized officials may be allowed to use protocol license plates, upon the recommendation of the Land Transportation Office (LTO), approval of the Secretary of the Department of Transportation (DOTr), and based on the list of all officials with equivalent rank as the above authorized officials of the Department of Budget and Management," mababasa pa sa order.

Kung sakali namang may paglabag ang government officials patungkol sa regulasyong ito, "The LTO in coordination with concerned agencies, is hereby directed to revoke and/or confiscate all expired protocol license plates, subject to existing laws, rules and regulations."

Kaya kung may nasaksihang paglabag sa kalsada at napansin ang numero ng plaka sa sasakyan na may kagagawan nito, agad itong ipagbigay-alam sa LTO, kagaya nga sa nabanggit na insidente kamakailan sa EDSA busway.