November 05, 2024

Home BALITA Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!
(Photo courtesy: Pexels/website; RMN Tacloban/FB)

Anim na dayuhang nagsasagawa lamang ng medical mission ang ninakawan sa Palompon, Leyte.

Base sa ulat ng RMN Tacloban, nag-check in umano ang anim na biktimang kinilalang sina alyas Joe, 54 anyos, alyas Nick, alyas Elsa, Alyas Karen, Alyas Ken na mga Swedish National, at alyas Jen na isang Indian National, sa isang lodging house sa Palompon dakong 1:30 ng madaling noong Oktubre 28, 2024.

Iniwan daw ng mga misyonero sa nasabing lodging house ang kanilang mga personal na gamit nang magsagawa sila ng medical mission sa iba't ibang mga barangay sa Palompon mula Nobyembre 1 hanggang 3, 2024. 

Samantala, pagbalik nila sa inupahang silid noong Nobyembre 3, wala na ang kanilang mga pera. Tinatayang mahigit ₱65,000 daw ang pinagsamang halaga ng salaping ninakaw sa anim na dayuhan.

Probinsya

Nasa 4,000 mga labi, apektado ng konstruksyon sa isang sementeryo sa Cebu

Dagdag ng ulat, lumabas sa imbestigasyon ng Palompon MPS na iniwan ng mga misyonero ang susi ng silid sa front desk. Wala rin umanong bakas na puwersahang pinasok ang lodging house ng mga biktima, dahilan para ikonsidera ang nangyari bilang “inside job.” 

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nangyaring nakawan. Mino-monitor na rin umano ang mga CCTV camera sa lugar upang matukoy ang mga salarin.