November 22, 2024

Home BALITA

SP Chiz, nais matukoy ang senador, driver na dumaan sa EDSA busway

SP Chiz, nais matukoy ang senador, driver na dumaan sa EDSA busway

Naglabas na ng pahayag si Senate President Francis "Chiz" Escudero nitong Lunes, Nobyembre 4, 2024, hinggil sa kontrobersyal na sasakyang may plakang no.7 na ilegal na dumaan sa EDSA busway at tumakas sa mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation  (SAICT) noong Linggo ng gabi, Nobyembre 3.

KAUGNAY NA BALITA: Sasakyang may plakang No.7 dumaan sa EDSA busway; nag-dirty finger at tumakas

Nanawagan si Escudero sa Land Transportation Office (LTO) na agarang matukoy ang pagkakakilanlan ng driver at mga pasahero nito.

“I urge the LTO to identify the owner-user of the vehicle and to inform the Senate as soon as possible,” ani Escudero.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Iginiit din niyang hindi raw katanggap-tanggap ang ginawa ng naturang driver nito sa dalawang opisyal ng SAICT, na batay sa naturang ahensya, ay nagawa pa umanong mag-dirty finger ng pasehero nito. 

Samantala, dagdag pa ni Escudero, umaasa rin umano siya na kung mapatunayang miyembro raw ng senado ang nagmamay-ari sa naturang sasakyan, ay isuplong na aniya ng mga ito ang kanilang driver na siyang nagmamaneho ng naturang sasakyan, sa mga awtoridad. 

“If indeed the owner is a member of the Senate, I expect him/her to come forward and instruct the person/s driving the vehicle to be responsible and face the consequences of their actions.” saad ni Escudero. 

Dagdag pa ni Escudero, marapat lang aniya na harapin ng mga ito ang paglabag na ginawa sa batas. 

“As soon as they know and find out about the incident themselves and to surrender and present themselves to the authorities accordingly,” ani Escudero. 

Kate Garcia