January 22, 2025

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Sofronio Vasquez wagi sa The Battles ng The Voice; pinakanta ng US National Anthem!

Sofronio Vasquez wagi sa The Battles ng The Voice; pinakanta ng US National Anthem!
Photo courtesy: Screenshots from Sofronio Vasquez (FB)

Muli na namang namayagpag ang bandila at boses ng mga Pinoy sa sikat na singing competition na "The Voice" Season 26 matapos manalo sa "The Battles" ang Filipino singer na si Sofronio Vasquez.

Katunggali si Aliyah Khaylyn na kasama niya sa Team Michael Bublé, inawit nila ang pamosong kantang "The Power of Love" ni Céline Dion.

Sa huli, si Sofronio ang nanaig at pinili ni Bublé.

"Won the The Voice Battles! getting ready for knockouts #TeamBublé #TheVoice #TheVoiceSeason26. Thank you coach Michael Bublé," pasasalamat ni Sofronio kay Michael sa kaniyang Facebook page

Musika at Kanta

Apl.de.ap bet maka-collab ang BINI: 'They are world class!'

Si Aliyah naman ay napunta sa team ni Snoop Dogg matapos siyang ma-steal.

Mukhang unit-unti na ngang nakikilala si Sofronio sa US dahil sa ibang balita, siya lang naman ang pinakanta ng National Anthem ng US, sa isang hockey game.

First time daw itong nangyari sa buhay ni Sofronio kaya masayang-masaya siya sa milestone na ito, at isang malaking oportunidad para sa isang Pinoy na gaya niya.

"I am proud to have reached another milestone as a Filipino, having had the privilege of singing the US National Anthem, an experience I never imagine in my lifetime to happen," mababasa sa Facebook post niya.

"And Yes, calling Utica New York, my second home, made this opportunity a reality. This occasion also marked my first time singing the anthem at a hockey game featuring the Utica Comets Vs. Rochester Americans."

"( with pride, i am wearing Michael Bublé's gift from The Voice ) ," aniya pa.

Si Sofronio ay dating finalist ng "Tawag ng Tanghalan" sa It's Showtime.

Four-chair turner naman siya nang sumali siya sa blind audition ng season na ito ng The Voice, na ang pinili nga niya, ay si Coach Michael.