January 22, 2025

Home BALITA

Sasakyang may plakang No.7 dumaan sa EDSA busway; nag-dirty finger at tumakas

Sasakyang may plakang No.7 dumaan sa EDSA busway; nag-dirty finger at tumakas
Photo courtesy: Special Action and Intelligence Committee for Transportation/Facebook

Pinaghahanap na ng mga awtoridad kung sino ang sakay ng isang sasakyang may plakang no.7 na dumaan sa Epifanio De Lo Santos Avenue (EDSA) busway noong Linggo, Nobyembre 3, 2024 sa bahagi ng northbound Guadalupe station. 

Sa video na ibinahagi ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation  (SAICT) sa kanilang Facebook noong Nobyembre 3, mapapanood ang aktuwal na pagtakas ng naturang sasakyan habang sinusubukang kausapin ng dalawang opisyal ng SAICT ang driver at mga kasama nito sa sasakyan. 

Ayon sa ahensya, naganap ang insidente bandang 6:58 ng gabi nang tangkaing baybayin ng naturang sasakyan ang kahabaan ng EDSA busway.

“While assisting buses to move forward, Secretariat Sarah Barnachea of the DOTr-SAICT noticed the white SUV illegally passing through the bus lane. Secretariat Barnachea approached the vehicle to apprehend and verify the driver's identity,” anang ahensya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Matapos takbuhan, iginiit din ng ahensya sa kanilang Facebook post na nag-dirty finger pa raw ang isang sakay ng naturang sasakyan, bago ito tuluyang umatras papalabas sa barrier ng EDSA busway. 

Dagdag pa ng SAICT ang opisyal na video raw nila ang magsisilbing pruwebang kanilang ipapadala sa Land Transportation Office (LTO) upang magkaroon Show Cause Order laban sa may ari at driver ng nabanggit na sasakyan. 

Siniguro naman ng DOTr Executive Assistant na si Jonathan Gesmundo na pananagutin daw nila ang ang naturang violator. 

“We will work closely with the authorities to identify and apprehend the individuals responsible and hold them accountable for their actions,” ani Gesmundo. 

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang Senado hinggil sa kinasangkutan ng sasakyang may plakang No.7, na nangangahulugang ito ay isang sasakyang pagmamay-ari at eksklusibo lamang para sa mga senador. 

Kate Garcia