November 14, 2024

Home BALITA National

Romualdez, nakiramay sa mga biktima ng bagyong Kristine

Romualdez, nakiramay sa mga biktima ng bagyong Kristine
House Speaker Martin Romualdez (Photo: House of Representatives/FB)

Ngayong National Day of Mourning, Nobyembre 4, nagpahayag ng pakikiramay si House Speaker Martin Romualdez sa mga nasawi dahil sa naging pananalasa ng bagyong Kristine sa bansa.

Sa isang pahayag ngayong Lunes, sinabi ni Romualdez na ang araw na ito ang panahon para sa bawat Pilipinong magnilay-nilay at alalahanin ang buhay ng mga nasawi dahil sa trahedya ng bagyo.

"This day of mourning calls us to compassion and solidarity. As we remember those lost, we extend our deepest sympathies to every family affected, to every community struggling to recover," ani Romualdez.

Samantala, binigyang-pugay ng House leader ang responders, relief workers, at volunteers na tumulong sa mga nasalanta ng nasabing kalamidad.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

"Your efforts represent the true Filipino spirit of 'bayanihan'—showing us that even in our darkest hours, there is always someone ready to lend support, ready to lift another up," saad niya.

Matatandaang noong Sabado, Nobyembre 2, nang mag-isyu si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ng Proclamation No. 728 na nagdedeklara sa Nobyembre 4 bilang Day of National Mourning para sa mga Pilipinong naging biktima ng bagyong Kristine.

MAKI-BALITA: Nobyembre 4, National Mourning Day para sa mga biktima ni 'Kristine'—Malacañang

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), umabot sa 145 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine at kasama na rin ang sumunod na bagyong Leon.