“Negatibo” ang naging resulta ng hair follicle drug test ni Davao City 1st District Representative Paolo "Pulong" Duterte na inilabas nitong Lunes, Nobyembre 4.
Base sa resulta ng “Hair 7 Drug Panel Test” na isinagawa ng testing facility na Omega Laboratories noong Oktubre 23, 2024, walang na-detect na ilegal na droga sa katawan ni Duterte.
Kasama sa mga droga na sinuri at nagnegatibo kay Duterte ang Amphetamine, Methamphetamine, Cocaine/Metabolites, Opiates, Extended Opiates, Phencyclidine, THC Metabolite (Marijuana), at Benzodiazepines.

Matatandaang ang naging pagpapa-drug test ni Duterte ay bilang tugon sa hamon ng kapatid na si Vice President Sara Duterte na magpa-drug test ang mga kongresista at mga nais tumakbo para sa Kongreso sa 2025 elections.