November 05, 2024

Home BALITA National

PBBM sa ‘drug war’ statements ni FPRRD: ‘I don’t want to talk about it’

PBBM sa ‘drug war’ statements ni FPRRD: ‘I don’t want to talk about it’
MULA SA KALIWA: Pangulong Bongbong Marcos at dating Pangulong Rodrigo Duterte (Facebook; file photo)

Tumangging magkomento si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa giyera kontra droga ng administrasyon nito.

Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Lunes, Nobyembre 4, tinanong si Marcos hinggil sa kaniyang reaksyon sa mga pahayag ni Duterte kaugnay ng drug war at kung kailangan bang muling mag-imbestiga ang Department of Justice (DOJ) hinggil dito.

Samantala, sinabi ni Marcos na mas kailangan niyang ilahad ang tungkol sa sitwasyon ng Batangas na sinalanta ng bagyong Kristine kaysa sa magkomento sa mga pahayag ni Duterte.

''I don't want to talk about… I need to talk about what's happened here,'' ani Marcos na pinatutungkulan ang pananalanta ng bagyong Kristine sa lugar.

National

Marce, itinaas na sa ‘typhoon’ category; 12 lugar sa Luzon, nasa Signal #1

Matatandaang sa pagdinig na isinagawa ng Senado noong Oktubre 28, 2024, sinabi ni Duterte na hindi siya hihingi ng tawad hinggil sa drug war dahil ginawa raw niya ito para sa bansa.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, ‘di hihingi ng tawad hinggil sa drug war: ‘I did it for my country!’

Isinalaysay rin ng dating pangulo ang utos daw niya sa mga pulis noong siya ay isang propesor sa isang police academy. 

MAKI-BALITA: Utos ni Ex-Pres. Duterte sa mga pulis: 'Barilin mo sa ulo...'

Bukod dito, sinabi ni Duterte na huwag daw dapat panagutin ang mga pulis na naging sangkot sa madugong giyera kontra droga ng kaniyang administrasyon dahil sumunod lamang umano ang mga ito sa kaniyang utos.

KAUGNAY NA BALITA: Ex-Pres. Duterte, iginiit na ‘wag panagutin mga pulis sa drug war: ‘I take full responsibility’