November 14, 2024

Home BALITA National

PBBM, ‘di satisfied sa pagresponde ng gov’t sa bagyong Kristine: ‘It’s never enough’

PBBM, ‘di satisfied sa pagresponde ng gov’t sa bagyong Kristine: ‘It’s never enough’
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB

“I wish we could do more.”

Aminado si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi siya “satisfied” sa naging pagresponde ng pamahalaan sa pananalasa ng bagyong Kristine na kumitil ng mahigit 100 indibidwal sa bansa.

Sa isang media interview sa Laurel, Batangas nitong Lunes, Nobyembre 4, sinabi ni Marcos na sana raw ay may mas nagawa pa sila hinggil sa bagyong Kristine.

“I'll tell you the truth. It's never enough. It's never enough. I wish we could do more,” ani Marcos.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

“We're doing everything that we can but... You know, when you lose a life, you lose a life. What can you do about that? It's a terrible tragedy,” saad pa niya.

Nagtungo si Marcos sa Batangas upang pangunahan ang pamamahagi ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk and Families (PAFF) sa mga naapektuhan ng bagyo sa lugar.

Matatandaang noong Sabado, Nobyembre 2, nang mag-isyu si Marcos ng Proclamation No. 728 na nagdedeklara sa Nobyembre 4 bilang Day of National Mourning para sa mga Pilipinong naging biktima ng bagyong Kristine.

MAKI-BALITA: Nobyembre 4, National Mourning Day para sa mga biktima ni 'Kristine'—Malacañang

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), umabot sa 145 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine at kasama na rin ang sumunod na bagyong Leon.