January 22, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Miss Panama kusang umatras, o sinipa mismo ng Miss Universe?

Miss Panama kusang umatras, o sinipa mismo ng Miss Universe?
Photo courtesy: Miss Universe Panama (IG)

Mainit na usap-usapan sa social media ang inilabas na opisyal na pahayag ng Miss Universe 2024 Organization kaugnay sa pag-atras daw ng kandidata ng Panama na si Italy Mora sa nabanggit na kompetisyon.

Mababasa sa opisyal na pahayag na inilabas ng MUO noong Nobyembre 1, "The Miss Universe organization regrets to announce the withdrawal of Panama’s candidate from the Miss Universe 2024 pageant. This decision has been taken after a thorough evaluation by our disciplinary commission."

Sa pagpapatuloy, "The disciplinary committee, charged with maintaining the integrity and values of the pageant, conducted a full audit of the matter and, based on the information gathered and reviewed, has concluded that withdrawal is the most appropriate course of action under the current circumstances."

"It is important to note that we made this decision with the utmost respect for all parties involved. Our number one priority remains the welfare and transparency for all of our candidates, who exemplify diversity, talent and dedication."

Tsika at Intriga

Mavy Legaspi, Ashley Ortega namataang magkasama sa Cebu

"The Miss Universe organization wishes to stress the importance of maintaining confidentiality and respect during this process. Over the years, our pageant has been a beacon of diversity, inclusion and empowerment for women around the world. In this regard, adhering to strong ethical principles, such as confidentiality and respect, is essential to maintaining the integrity of our organization and the well-being of our participants."

"Confidentiality is a fundamental pillar of any disciplinary process. By protecting sensitive and personal information, we not only ensure fairness and equity in our decisions, but also the dignity of all involved."

May pakiusap naman ang MUO sa lahat.

"As we move forward, we reaffirm our dedication to these principles, inviting all our participants, supporters and media to join us in this commitment. We kindly ask everyone to respect the privacy of our Panama candidate during this time and to avoid unnecessary speculation that may negatively affect all parties involved."

"We would like to thank you once again for the continued support and understanding of our community as we work together to ensure that Miss Universe continues to be a platform for inspiration and positive change in the world."

Hindi naman binanggit mismo sa opisyal na pahayag kung ano ang dahilan at kailangan pa ng "discipline committee" sa desisyong ito.

OPISYAL NA PAHAYAG NI MISS PANAMA ITALY MORA

Kaugnay nito, naglabas din ng opisyal na pahayag si Miss Panama, na aniya, ay nagulat at nanghinayang na sinabihan daw siya ng tungkol sa kaniyang withdrawal sa nabanggit na pageant.

Ibig sabihin, kung bibigyan ng interpretasyon, hindi siya ang kusang nag-withdraw sa nabanggit na timpalak kundi sinabihan siyang ang tanging option na lamang ay lisanin ito.

Dito ay nabanggit ni Mora na may nagawa siyang paglabag sa isa sa rules ng Miss Universe, ngunit tila hindi na raw siya dumaan sa warning at napagdesisyunang alisin na siya agad. Sana raw ay naresolba ito sa pamamagitan ng dialogue o warning man lamang.

Mahirap daw sa kalooban ni Miss Panama ang nangyari dahil ang iniisip niya, ang mga nagastos, oras, effort, at suporta ng mga kababayan sa kaniya, pagkatapos ay bigla lamang siyang aalisin.

Kung bibisitahin naman ang Instagram account ni Miss Panama, makikita ang hashtags na "#JusticiaParaItaly" at "#JusticiaParaPanama."

Makikita rin sa kaniyang Instagram story ang isang helicopter na iwinawagayway ang bandila ng Panama. May text caption itong "VIVA PANAMA!"

AWAY KAY MISS DOMINICAN REPUBLIC, UMALIS SA HOTEL?

May mga lumalabas ding ulat na ang pinakarason daw ng "withdrawal" kay Miss Panama ay sa alitan nila ng isa pang kandidata na si Miss Dominican Republic Celinee Santos Frias.

Sinasabing roommates pa nga raw ang dalawang ito, at sa pagitan ng dalawa, sinasabing si Miss DomREp daw ang "ate chona."

Dumating pa nga raw sa puntong nagpang-abot ang dalawa at nagkapisikalan, mabuti na lamang daw at naawat. Pero sa nangyari, parang si Miss Panama pa raw ang nadehado.

May ilang pageant-based pages naman ang nagsabing nilabag daw ni Miss Panama ang panuntunan ng MUO na walang lalabas ng hotel nang walang paalam.

Ipinagtanggol din si Miss Panama ng Miss Universe Panama National Director Cesar Anel Rodriguez, bagama't hindi na niya idinetalye ang ugat talaga ng pagkakatanggal sa kandidata, batay raw sa kasunduang pinirmahan nila kasama ang pamunuan ng MU.

Kahit na hindi na raw makakasali sa grand coronation night na gaganapin sa Mexico sa darating na Nobyembre 16 (Nobyembre 17 sa Pilipinas), mananatili pa rin daw Miss Universe Panama si Italy Mora at hindi raw ito basta-basta made-dethrone mula sa kaniya.

Samantala, ang pambato ng Pilipinas sa nabanggit na timpalak ay si Chelsea Manalo mula sa Bulacan.