December 27, 2024

Home BALITA National

Mga tumutuligsa sa drug war ni Ex-Pres. Duterte, ‘sheltered people’ – Baste Duterte

Mga tumutuligsa sa drug war ni Ex-Pres. Duterte, ‘sheltered people’ – Baste Duterte
MULA SA KALIWA: Mayor Baste Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte (Mayor Baste/Youtube screengrab; MB file photo)

Ipinahayag ni Davao City Mayor Baste Duterte na sa tingin niya’y “sheltered people” umano ang mga taong tumutuligsa sa war on drugs ng administrasyon ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa episode ng programang “Basta Dabawenyo” na inilabas sa YouTube channel ni Mayor Baste nitong Linggo, Nobyembre 3, isa sa mga natalakay ang tungkol sa nangyaring pagdinig ng Senado kamakailan hinggil sa war on drugs ng administrasyong Duterte kung saan dumalo mismo ang dating pangulo.

Sinabi ng kasama ni Baste sa programa na si social media personality Joie De Vivre na naramdaman umano mismo nila na “ligtas” sila nang iimplementa ni FPRRD ang war on drugs sa bansa, at ang mga tao raw na naggigiit ng “human rights” ay hindi nalalaman ang mabuting naidulot ng programa sa mga ordinaryong tao na naninirahan sa mga lugar kung saan talamak ang ilegal na droga.

Sinang-ayunan naman ito ni Mayor Baste at sinabing sa tingin daw niya ay ang mga taong tumutuligsa sa programa ng kaniyang ama ay hindi nakaharap sa panganib ng kriminalidad sa mga pampublikong lugar, lalo na bunsod ng illegal drugs.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Tingin ko kasi, ‘yung mga naniniwala rin talaga sa ganong mga platform against PRRD, ‘yung mga sheltered people. Hindi sila ‘yung mga nagsasakay ng jeep tapos uuwi, maglalakad,” saad ni Duterte.

Matatandaang sa pagdinig na isinagawa ng Senado noong Oktubre 28, 2024, sinabi ni FPRRD na hindi siya hihingi ng tawad hinggil sa drug war dahil ginawa raw niya ito para sa bansa.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, ‘di hihingi ng tawad hinggil sa drug war: ‘I did it for my country!’

KAUGNAY NA BALITA: Utos ni Ex-Pres. Duterte sa mga pulis: 'Barilin mo sa ulo...'

KAUGNAY NA BALITA: Ex-Pres. Duterte, iginiit na ‘wag panagutin mga pulis sa drug war: ‘I take full responsibility’

Noon lamang Hunyo ngayong taon nang ihayag ni human rights lawyer Chel Diokno na base sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyong Duterte, 20,322 drug suspects umano ang napatay sa giyera kontra droga sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.

MAKI-BALITA: 20,332 indibidwal, napatay sa ‘drug war’ ng Duterte admin – Diokno