December 09, 2024

Home BALITA National

'Marce' mas lumakas pa, nasa PH Sea na sa silangan ng Bicol

'Marce' mas lumakas pa, nasa PH Sea na sa silangan ng Bicol

Lalo pang lumakas ang Tropical Storm Marce na huling namataan sa Philippine Sea sa silangna ng Bicol Region, ayon sa 5 PM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Lunes, Nobyembre 4.

Base sa tala ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong Marce 740 kilometro ang layo sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 105 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pa-west northwest sa bilis na 30 kilometers per hour.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Base sa forecast track ng PAGASA, magla-landfall ang bagyong Marce sa vicinity ng Babuyan Islands o mainland Northern Cagayan pagsapit ng Huwebes ng gabi, Nobyembre 7, o Biyernes ng madaling araw, Nobyembre 8.

Unti-unti pang lalakas pa ang bagyo at posibleng umabot sa “severe tropical storm” category mamayang gabi o bukas ng umaga, Nobyembre 5. Posible ring itaas pa ito sa “typhoon” category bukas ng gabi o sa Miyerkules ng madaling araw, Nobyembre 6.