December 14, 2024

Home SHOWBIZ

Makinig ka Drew! Iya, pagod na umire

Makinig ka Drew! Iya, pagod na umire
Photo courtesy: Screenshot from Fast Talk with Boy Abunda (YouTube)/Iya Villania (IG)

Idinaan sa biro ng "24 Oras" Chika Minute/showbiz news presenter na si Iya Villania ang kaniyang nararamdaman sa ikalimang pagbubuntis sa magiging bunsong anak nila ng mister na si Drew Arellano.

Ayon sa panayam niya sa "Fast Talk with Boy Abunda" sa November 3 episode, pabiro siyang natanong ni Boy na kung may headline daw siyang maiisip patungkol sa kaniya, ano kaya ito?

"Kung magkakaroon ng headline sa 24 Oras bukas tungkol kay Iya Villania, what would that be?"

Pabirong sagot ni Iya, "Iya Villania, pagod nang umire! Hahahaha! Pagod nang umire... 'yon na siya! So let's end it with five okay? Lord, please tapos na."

Pelikula

Remastered ‘Jose Rizal’ movie, eere na sa Netflix sa Rizal Day

Matatandaang kamakailan lamang ay nag-gender reveal na ang mag-asawa sa kanilang ikalimang anak, at ito ay isang baby girl.

Pero sa mas seryosong usapan, nagbigay ng ilang detalye si Iya patungkol sa parenthood na naeenjoy naman daw niya.

MAKI-BALITA: Iya Villania, hirap sa kaniyang ikalimang pagbubuntis

MAKI-BALITA: Gender ng ikalimang anak nina Drew, Iya inilantad na!