January 22, 2025

Home FEATURES BALITAkutan

107-anyos na lola tinubuan ng sungay, pampahaba raw ng buhay?

107-anyos na lola tinubuan ng sungay, pampahaba raw ng buhay?
Photo courtesy: Contributed Photo/Douyin

Isang centenarian na lola mula sa China ang tila may kakaibang anting-anting na nasa kaniyang ulo.

Kinilala ng netizens ang naturang lola na si Lola Chen, 107, na ang sikreto raw sa mahabang buhay ay ang kaniyang tinatayang apat na pulgadang sungay.

Nauna raw masilayan ng netizens ang sungay ni Lola Chen sa isang Chinese TikTok version social media platform na “Douyin.”

Ayon sa ulat ng ilang international news outlet, wala raw balak ipatanggal ni Lola Chen ang kaniyang sungay, na taon na rin daw ang binilang magmula ng tumubo ito sa bahagi ng kaniyang noo.

BALITAkutan

Nanay at mga anak niya, nakaranas ng kababalaghan sa Labubu dolls?

Saad din ng umano ng ilang eksperto, “Cutaneous horn” daw ang tawag sa kondisyon ni Lola Chen na hindi naman umano dapat ikabahala dahil hindi raw ito cancerous. Ayon sa isang independent health publisher na DermNet, kalimitan daw tumutubo ang cutaneous horn sa mga indibidwal na nasa edad 60 hanggang 70 anyos. Ito raw ay dulot ng excess na keratin sa balat ng tao at kadalasang tumutubo sa parte ng katawang direktang tinatamaan ng init ng araw.

Katunayan, taong 2019 nang maiulat din sa ilang international media outlets ang isa namang 74-anyos na lalaki mula sa India, na tinubuan din ng sungay, sa bandang bumbunan nito.

Hindi katulad ng kay Lola Chen, ang naturang lalaki ay piniling ipaopera ang kaniyang sungay, na matagumpay naman daw naalis ng mga doktor.

Kate Garcia