December 22, 2024

Home BALITA

Socmed registration ng mga kandidato, walang lalabaging freedom of expression—Comelec

Socmed registration ng mga kandidato, walang lalabaging freedom of expression—Comelec

Muling nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na wala raw silang balak na labagin ang freedom of expression ng mga kandidato sa 2025 midterm elections.

Ito ay alinsunod sa “Comelec Resolution 11064,” na nagmamandato sa mga kandidato na irehistro sa ahensya ang kani-kanilang social media accounts.

KAUGNAY NA BALITA: Comelec, inoobliga na mga kandidato na iparehistro ang kanilang social media accounts

Ayon sa Article 1, Section 1 ng naturang resolusyon, binibigyang kapangyarihan nito ang Comelec na ma-regulate ang lahat ng social media accounts ng mga kandidato, maging ang paggamit ng mga ito ng artificial intelligence (AI) at anumang internet technology para sa kani-kanilang online campaigns.

National

Bagyo sa labas ng PAR, pinangalanan nang ‘Romina’; Signal #1, itinaas sa Kalayaan Islands

“The coverage of these guidelines shall be limited to the regulation of the use, and the prohibition, and punishment of the misuse of social media, artificial intelligence, and internet technology, for purposes of digital election campaigning for the 2025 National and Local Elections and the BARMM parliamentary Elections.”

Samantala, sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, nitong Linggo, Nobyembre 3, 2024, iginiit niyang wala raw balak saklawan ng ahensya ang bawat social media contents ng mga kandidato.

“Sinigurado naman po namin dito sa guidelines, na amin pong ipapatupad, na hindi po kami, na wala po kaming pakialam sa content, hindi po namin 'yan papakialamanan, sapagkat 'yong content maaaring lumabag ka na sa doon sa tinatawag na freedom of expression or freedom of speech,” ani Garcia.

Dagdag pa ni Garcia, ito na rin daw ang nakikita nilang panahon na ma-regulate ang social media, kagaya ng kung paano raw nila binabantayan ang pangangampanya ng mga kandidato sa national TV, radyo at dyaryo.

“Eh bakit ang radyo, ang TV, ang dyaryo, nare-regulate? Sobra nga ang regulasyon eh, pinapa-submit ang mga kontrata, mino-monitor namin kung magkano ang gastos, at pagkatapos ilang minuto, gaano kalaki,” saad ni Garcia.

Hindi na raw kase aniya, maaaring walang sistema sa social media.

“Eh pagka social media walang regulasyon? Siguro naman hindi puwede 'yung ganung sistema,” dagdag ni Garcia.

Matatandaang ito ang unang pagkakataon na magpatupad ang Comelec ng isang regulasyong sasaklaw sa social media, sa kasagsagan ng kampanya para sa paparating na eleksyon.

Kate Garcia