November 22, 2024

Home BALITA Metro

Nakolektang mga basura sa sementeryo sa Maynila, mas mababa ngayong taon

Nakolektang mga basura sa sementeryo sa Maynila, mas mababa ngayong taon
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Bagama’t tumambad pa rin ang mga basura sa ilang pampublikong sementeryo sa Maynila, mas mababa pa rin daw ang mga bilang ng mga ito ngayong 2024.

Hindi raw katulad noong nakaraang taon, ayon sa pamunuan ng Manila North Cemetery, ay umabot sa 209 Cubic meters ang mga basurang kanilang nakolekta na katumbas naman ng 20 truckloads, kumpara sa Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2, 2023 na may 267 cubic meters o katumbas ng 25 truckloads.

Sa panayam ng ABS-CBN News sa tanggapan ng naturang sementeryo, malaking bagay raw ang pagbabawal nilang magkaroon ng ilang tindahan sa loob ng Manila North Cemetery.

Samantala, sa tala naman ng Manila Department of Public Services, tinatayang nasa 755 cubic meters o katumbas ng halos 81 truckloads ang kabuoang nakolekta nilang mga basura mula sa Manila North at South Cemetery mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2, 2024.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Ayon pa sa Manila DPS, dinidiretso raw sa Navotas landfill ang lahat ng mga basurang nakolekta mula sa naturang mga sementeryo.

Matatandaang pumalo sa mahigit isang milyon ang dumagsa sa Manila North Cemetery noong Nobyembre 1, na isa sa mga pinakamalalaki at pinakamatatandang sementeryo sa bansa. Samantala, sa kaparehong araw pa rin, umabot naman sa tinatayang 500,000 ang dumagsa sa Manila South Cemetery.