November 06, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Mukha ni Dennis Padilla naka-blur sa isang eksena sa pelikula, bakit kaya?

Mukha ni Dennis Padilla naka-blur sa isang eksena sa pelikula, bakit kaya?
Photo courtesy: Screenshots from Luck At First Sight (YouTube/VIVA Films)

Usap-usapan ang napansin ng isang movie critic Facebook page sa isang eksena ng pelikulang "Luck At First Sight" na pinagbidahan nina Bela Padilla at Jericho Rosales produced by VIVA Films.

Sa ngayon, naka-upload sa YouTube channel ng VIVA ang nabanggit na pelikula.

Napansin naman ng "Goldwin Reviews" na naka-blur ang mukha ng gumaganap na tatay ni Bela sa pelikula na si Dennis Padilla, sa isang eksena habang nasa ospital ang komedyante.

"Naka-upload sa YouTube channel ng Viva Films ang movie na 'Luck At First Sight.' Tapos kapag pumunta kayo sa 54:00 onwards, makikita niyo na naka-blur si Dennis Padilla," mababasa sa kanilang post.

Pelikula

PANOORIN: Official teaser ng 'Isang Himala,' inilabas na!

"Usap-usapan na ito sa YouTube atsaka sa Reddit. Bakit daw naka-blur yung mukha ni Dennis Padilla sa palabas na’to? Ang nakapagtataka, hindi consistent yung pag-blur sa mukha niya. May ibang anggulo na wala siyang blur at kitang kita pa rin ang mukha niya."

"Kung anu-anong haka haka at hula na ang sinasabi ng mga tao, pero tila wala pa talagang nakakaalam ng tunay na rason."

"Ano sa tingin niyo ang dahilan kung bakit naka-blur si Dennis Padilla sa mga piling eksena?" anila.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Baka half-Japanese siya hahaha."

"Ganun daw pag absentee father. Chaur!"

"Baka napagtripan ni editor yung face blur tas nakalimutan tanggalin before mag render HAHAHAHAHAA"

"dati pa kasi yan. Wala pang consent ung parents ni Dennis hahaha minor pa daw."

"Ganyan din sya sa paningin ng mga anak nya kay Marj na di nya binigyan ng child support."

"Hala oo nga noh napa check tuloy ako bakit kaya??"

"bka hindi sya kasama sa babayaran kaya naka blur"

Pinuntahan ng Balita ang YouTube channel ng VIva Films at totoo ngang may ilang mga bahagi sa nabanggit na eksena na naka-blur ang mukha ni Dennis.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Dennis o ang VIVA Films kung bakit may blur ang mukha niya sa eksena.