January 23, 2025

Home SHOWBIZ

Mga labi ni Liam Payne, pinahintulutan nang maibyahe pabalik ng UK

Mga labi ni Liam Payne, pinahintulutan nang maibyahe pabalik ng UK

Pinahintulatan na umano ng prosecutor sa Argentina na maiuwi na sa United Kingdom ang labi ng British singer at dating One Direction member na si Liam Payne.

Ayon sa ulat ng ilang international media outlets noong Nobyembre 2, 2024, posibleng dumating ang labi ni Liam sa United Kingdom, anumang araw ngayong linggo. 

Matatandaang pumanaw si Liam, 31, noong Oktubre 17, 2024 (araw sa Pilipinas) kung saan lumalabas sa imbestigasyon na nahulog siya mula sa ikatlong palapag ng tinutuluyang hotel sa Argentina.

KAUGNAY NA BALITA: Liam Payne, pumanaw na

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Samantala, kinumpirma rin umano ng British Embassy na Oktubre 18 pa dumating ang ama ni Liam na si Geoff Payne sa Argentina, upang subukang maiuwi ang anak pabalik ng UK, ngunit maka-ilang beses itong naantala dahil sa pagsasagawa ng autopsy at toxicology sa labi ng singer.

Kaugnay nito, naunang ikumpirma ng mga awtoridad sa Argentina na tinatayang 25 injuries ang sinapit ni Liam mula sa pagkahulog nito sa balkonahe ng naturang hotel. Ilang mga balita rin ang umano’y nagsabing nagpositibo ito sa ilang ipinagbabawal na gamot, na naging dahilan daw kung bakit siya nalaglag.

KAUGNAY NA BALITA: Liam Payne, nasa ilalim umano ng impluwensya ng illegal drugs bago pumanaw?

KAUGNAY NA BALITA: Liam Payne positibo, nakitaan ng 'multiple drugs' sa autopsy

Nagsagawa rin umano ng raid ang Argentinian police sa hotel na tinuluyan ni Liam upang makumpirma ang drugs allegation na iniuugnay sa pagkamatay ng singer. 

Ilang fans na rin ng One Direction at ni Liam ang nagsagawa ng tribute para sa kaniya, mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kate Garcia