Nabuo na bilang bagyo ang low pressure area (LPA) na labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang 5 ng hapon, huling namataan ang tropical depression 1,315 kilometro ang layo sa silangan ng Eastern Visayas sa labas ng PAR.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-northwest sa bilis na 30 kilometers per hour.
Posibleng pumasok sa PAR ang bagyo bukas ng Lunes, Nobyembre 4.
Kung sakaling pumasok sa PAR, tatawagin itong bagyong Marce at ito ang magiging ika-13 bagyo ngayong taon.