January 22, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Kung ikaw si Misis: Payag ka, babaeng co-teacher ni Mister umaangkas sa motor niya?

Kung ikaw si Misis: Payag ka, babaeng co-teacher ni Mister umaangkas sa motor niya?
Photo courtesy: Freepik

Dalawang taon na ang nakalilipas subalit hanggang ngayon, patuloy pa ring shine-share at pinag-uusapan ang isang Facebook post na mababasa sa isang Facebook page patungkol sa sentimyento ng isang misis patungkol sa babaeng co-teacher ng kaniyang mister na nakiki-angkas sa motorsiklo nito sa tuwing papasok at pauwi na mula sa pinapasukan nilang eskuwelahan.

Sa Facebook page na "PESO SENSE" noong Abril 16, 2022, usap-usapan ang isang triggered na misis na natuklasang sumasabay sa motorsiklo ng kaniyang asawang public school teacher ang kasamahan nitong guro.

"My husband is a public teacher. A good husband, a father and a provider naman siya. Medyu malayo ang school at he needs to travel 45minutes to 1hour (araw-araw po siyang nauwi kasi hindi safe kong don sila mag stay). Kaya kahit mahirap ang daan lalo na pag naulan, uuwi talaga sila," mababasa sa post.

"May isang teacher (dalaga pa) simula noong na assigned si Maam don (simula noong September 2021) sa husband ko na siya nakiki-angkas then nagbibigay lang sya nang pang gasolina (minsanan lang at need pa sabihan ni husband na siya muna magpagasolina kasi hindi nga daw nagkukusa) Sinusundo pa ni husband sa bahay nila every morning kasi medyu papasok ang bahay nila at medyu maputik pag naglakad si Teacher then hinahatid nang hapon."

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Giit ng misis sa post, hindi siya selosa pero siya na mismo ang sinabihan ng mga kaibigan at kaanak na hindi magandang tingnan ang ganitong senaryo. In fairness naman daw sa mister niya, wala siyang naramdamang may nagbago sa kaniya.

"Hindi po ako yong type nang girl or asawa na selosa. Peru na ti-triggered ako sa mga friends ko, sa parents ko at mga kapatid ko na bakit daw ako pumayag na naka angkas si Teacher sa husband always. Wala naman akong nakita or naramdam na nagbago si husband, consistent padin naman siya for almost 2 years namin as married couple."

"Dati pag may angkas siya na teacher hindi niya inaalis yong bag niya sa likuran niya so medyu mahirap sa angkas peru lately lang nalaman ko na nililipat na pala niya sa harap ang bag para daw hindi mahirapan si angkas (may friend lang ako na nagsabi kasi nakita niya napadaan sa bahay nila) so ayon tinanong ko si husband at nagsabi naman sya na nahihirapan nga daw si teacher kong nasa likod yong bag kasi mahirap yong daan."

"Wala naman po issue for me. Peru yong mga taong nakapaligid sa akin gusto nila na sabihan ko si husband na hindi na pa-aangkasin si teacher total wala din naman ambag kahit sa gasolina."

Kaya ang tanong niya sa madlang netizens, "Dapat ko po ba sabihan si husband? or Hayaan nalang na nakiki-angkas si teacher forever (why forever?, may kuya naman siya nasa bahay lang daw nila at may motor bat hindi yon maghatid-sundo sa kanya)"

"Baka kasi ako pa magmumukhang kontrabida at baka malaman nang ibang teachers ako pa maging masama. At sabihin nila napaka selosa kong asawa."

Narito naman ang iba't ibang reaksiyon at komento ng mga netizen:

"A man in a marriage or a relationship should never be alone with a woman. It goes the same with women."

"Nananawagan ako sayo Teacher. Gamitin ang sarili mong sahod at tigil-tigilan ang pag-angkas sa lalaking may asawa. Kung single si Kuya, angkas pa more keri lang. Misis, di ka kontrabida. Protect your marriage and husband by saying NO. Karapatan mo yan Mister, wag kang ano. Nang-aano ka e."

"bilhan nyo po ng one seater classic motorcycle mister nyo..wala na pong makakaangkas.."

"May motor din po kmi.. pero, Hindi po nag aangkas ng babae o kahit kaguro nyang babae ang asawa ko kc maiba daw pong tingnan un khit walang masamang intensyon.. kpag kotse nmn gamit, tinatawagan po aq agad ng asawa ko para sabihin kung cnu nakisakay (pero minsan lng po un) kc ayaw po nia may makakita sa knya at umiba ang tingin o may masamang isipin..

Nasa usapan nio na Po mag asawa un mam o kay sir na din po mismo mam.."

"Para po saken, maging matulungin sa kapwa is nice, but too much is not nice,.. ang tanong lang po, baket po nag eeffort si mister sa co teacher para i hatid sundo sa kanila eh nandyan naman po kapatid nya para dyan? So, dun palang po mayroon nang something,. Hindi naman po sa praning tayong mga babae, dapat si mister ay alam nya na parang hindi na maganda sa mata ng lahat or sana inisip lang naman niya kayo sana po nd naman sya naging obvious no? Respeto nalang po sana sayo maam at sa pamilya mo., God bless."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 10k reactions, 3.7k shares, at 17.6k comments ang nabanggit na post, na hanggang ngayon, patuloy pa ring pinag-uusapan sa social media.

Ikaw, ano ang opinyon mo tungkol dito?

---------------------------------------------------------

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.