Ilang araw bago ang halalang magtatakda sa liderato ng isa sa mga pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo, bumuhos na rin ang pahayag ng ilang personalidad sa Estados Unidos, hinggil sa kandidatong kanilang bitbit.
Sa darating na Nobyembre 5, 2024 nakatakda ang Presidential Elections sa America kung saan magkatunggali sina US Vice President at Democrat candidate Kamala Harris at ang nagbabalik na si dating US President at Republican Donald Trump.
Kaugnay nito, nauna na ring bumoses ang ilan sa mga sikat na personalidad sa US mula sa Hollywood, sports at business industry.
Para sa panig ni Harris:
Kamakailan lang ay inihayag ng Avengers stars ang kanilang pag-endorso para kay Harris kung saan tinawag pa nila itong “Assemble for Democracy.” Ilan sa mga Avengers stars na tila “nag-assemble” ay sina Robert Downey Jr. (Iron Man), Scarlett Johansson (Black Widow), Mark Ruffalo (Hawk), Chris Evans (Captain America), Don Cheadle (War Machine) at Paul Bettany (Vision).
Maging ang sikat na si singer-songwriter Taylor Swift at Los Angeles Lakers forward Lebron James ay naghayag din ng suporta kay Harris.
Hindi rin nagpahuli ang music icon na si Beyonce na naghayag din ng pagsuporta kay Harris, ang “Queen of Pop” na si Madonna, singer-rapper Cardi B., tv HOST na si Oprah, action star na si Arnold Schwarzenegger, rapper na si Eminem at award winning actress na si Jennifer Lawrence.
Para sa panig ni Trump:
Samantala, nauna namang iendorso ng billionaire na si Elon Musk ang kaniyang pagsuporta para kay Trump. Nagpahayag din ng pagsuporta ang actor-filmmaker na si Mel Gibson, Shazam star Zachary Levi at batikang wrestler na si Hulk Hogan.
Nakatakdang saluhin ni Trump o di kaya nama’y ni Harris, ang babakantihing posisyon ni US President Joe Biden, bilang ika-47 Pangulo ng Estados Unidos.
Kate Garcia