Ibinahagi ni German Ambassador Andreas Pfaffernoschke ang kaniyang pagkamangha sa mga likas na yaman ng lalawigan ng Bohol.
Sa isang X post nitong Sabado, Nobyembre 2, nagbahagi si Pfaffernoschke ng ilang mga larawan nang mamasyal siya sa Chocolate Hills at Tarsier Sanctuary ng Bohol.
“Always a great pleasure to discover the beautiful landscape of the : Bohol and its natural wonders, Chocolate hills and Tarsier sanctuary,” ani Pfaffernoschke.
“What a nice place to be!” saad pa niya kasama ang hashtag na #lovethePhilippines.
Isa sa mga pinakakilala sa Bohol, ang Chocolate Hills ay geological formation na matatagpuan sa gitna ng maliit na isla, kung saan nasa 100 feet hanggang 165 feet ang taas ng mga burol nito.
Samantala, layon ng Philippine Tarsier Sanctuary na iligtas ang Philippine tarsier, habitat nito, at iba pang wildlife.