November 22, 2024

Home FEATURES Trending

'Employed era is healing the inner child?' Post tungkol sa 'healing the inner child' umani ng reaksiyon

'Employed era is healing the inner child?' Post tungkol sa 'healing the inner child' umani ng reaksiyon
Photo courtesy @kregvd_/ X

Muling nabuksan sa social media platform na X, ang tila kaniya-kaniyang tindig ng netizens tungkol konsepto at paraan daw ng “healing the inner child” matapos mag-viral ang isang post kamakailan na nagsasabing ang “employed era daw niya ay nangangahulugan nang pag-heal the inner child.”

Ayon sa isang trauma therapist na si Shari Botwin, ang konsepto raw ng healing the inner child ay isang psychological na pangyayari sa isipan ng bawat indibidwal. Ito raw ay nakabase sa childhood memories at iba pang pangyayari sa kabataan ng isang indibidwal, na nakakaapekto hanggang sa pagtanda nito. 

“Most people don’t realize that the effects of those memories from childhood are what drive us to make the choices that we make in adulthood,” ani Botwin sa isang international magazine na inilathala noong Abril 2023. 

Sa madaling sabi, ito ay paggawa o pagtupad sa mga bagay na hindi nagawa noong bata pa, ngayong may kakayahan na para gawin ito. 

Trending

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'

Ang naturang post ay mula sa X user na si @kregvd_, isang Certified Public Account (CPA), na nagbahagi ng tila winning moments niya sa nasabing platform noong Oktubre 31, 2024.

“Employed era  = Healing my inner child era. The kid inside me must be so happy,” saad niya sa caption.

Kalakip din ng naturang post ang isang video na nagpapakita ng pagbili niya ng ilang laruan sa isang sikat na toy store at pagkain niya sa tila mamahaling restaurant.

Ang dapat sana’y simpleng post ng nasabing netizen, gumawa ng ingay sa X, na ngayo’y mayroon ng 5.7M views, 7.7k retweets at 50k likes sa naturang platform. Tila maraming netizen kasi ang anila’y naka-relate daw sa “healing the inner child.”

“Childhood is the golden period of whole life.”

“When we keep our inner child, we find real happiness in life.”

“There is a child’s heart hidden inside everyone.”“Cheers to all the kids who try!”

“Sana sa pagheal ng inner child, kasama na rin ang pagheal ng adult self natin.”

“Enjoy the fruits of the labor!”

Bagama’t marami ang tila sumuporta sa naturang post, tila may ilang hindi rin daw nagustuhan ang ganitong paraan ng “healing the inner child.”

Kaugnay nito, isang “quote tweet” naman na ngayo’y deleted account na may username na @putimbulak_ ang naging sentro ng netizen matapos nitong igiit na sa konsumerismo umano laging nauugnay ang pagheal sa inner child. 

Marami ang rumesbak na naturang tweet lalo’t may sari-sariling paraan daw dapat ng pag-heal ng inner child.

“Bawal bang umunlad? Dapat ba manatili ka lang mahirap?”

“Sampalin lang kita ng reyalidad! Hindi lahat ng tao ay mayaman at lumaking may pera!”

“Paano mo ihiheal ang inner child kung hindi ka gagastos?”

“Healing our inner child is commercialism because many of us grew up economically deprived.”

“Huwag niyong targetin ang middle class! Nagtatrabaho ‘yan para makatikim lang ng kaunting ginhawa.”

“Hayaan niyong magsaya lang ang tao!”

Samantala, noong Sabado, Nobyembre 2, nagpasalamat naman si Kreyg sa mga sumuporta at nagtanggol sa kaniya, at muling pinagtibay ang kaniyang tindig hinggil sa konsepto ng healing the inner child.

“And I’d also like to say that we all have the right to heal our inner child however we want,” aniya.

-Kate Garcia