November 29, 2024

Home SHOWBIZ

Drag Race S3 winner Maxie, nanawagan ng hustisya para sa EJK victims

Drag Race S3 winner Maxie, nanawagan ng hustisya para sa EJK victims
Courtesy: Maxie Andreison/FB

Nanawagan ng hustisya si Drag Race Season 3 winner Maxie Andreison para sa mga biktima ng extrajudicial killings (EJK) sa war on drugs.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Maxie na hindi lamang mga “patay” ang nakakatakot tuwing Halloween o Undas, kundi higit umano ang mga buhay na pumapatay.

“Hindi sapat na takutin tayo ng mga patay ngayong Halloween. Mas nakakatakot ang mga buhay na kayang pumatay. Mga nasa kapangyarihan ngunit walang pananagutan, nagtatago sa anino ng dahas ng batas,” ani Maxie.

Binigyang-diin din ng kinoronahang drag race grand winner ngayong taon na huwag dapat kalimutan ang mga nasawi dahil sa madugong giyera kontra droga sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

'May tumutok sa tagiliran ko:' Elijah Alejo, naholdap malapit sa school na pinapasukan

“Huwag nating kalimutan ang mga inosenteng nawala sa War on Drugs; ang kanilang alaala ang tunay na multong humihingi ng hustisya,” saad ni Maxie.

“Hustisya para sa lahat ng biktima ng EJK!”

Matatandaang kamakailan lamang ay inihayag ni human rights lawyer Chel Diokno na base sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyong Duterte, 20,322 drug suspects umano ang napatay sa giyera kontra droga sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.

MAKI-BALITA: 20,332 indibidwal, napatay sa ‘drug war’ ng Duterte admin – Diokno

Samantala, nagsagawa ang Senado noong Oktubre 28, 2024 ng pagdinig hinggil sa war on drugs kung saan dumalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: Ex-Pres. Duterte, ‘di hihingi ng tawad hinggil sa drug war: ‘I did it for my country!’

KAUGNAY NA BALITA: Utos ni Ex-Pres. Duterte sa mga pulis: 'Barilin mo sa ulo...'

KAUGNAY NA BALITA: Ex-Pres. Duterte, iginiit na ‘wag panagutin mga pulis sa drug war: ‘I take full responsibility’