November 22, 2024

Home FEATURES Trending

'Vets are also doctors!' Beterinaryo 'minaliit' daw ng isang doktor, umani ng reaksiyon

'Vets are also doctors!' Beterinaryo 'minaliit' daw ng isang doktor, umani ng reaksiyon
Photo courtesy: Freepik

Viral ang Facebook post ng isang nagpakilalang beterinaryo na nagngangalang "Cristopher Dela Cruz" tungkol sa engkuwentro niya sa isang nagpakilalang doktor.

Mababasa sa October 31 Facebook post ni Dela Cruz na pareho silang nasa police station dahil naurungan ng sasakyan ng doktora ang kaniyang kotse.

Nagmamadali raw ang doktora dahil marami raw naghihintay na pasyente sa kaniya sa ospital. Sagot naman ni Dela Cruz, kagaya ng kausap na doktora ay may mga pasyente rin siyang kailangang puntahan at naghihintay.

Tinanong daw siya ng doktora kung magkabaro ba sila. Nang kumpirmahin ni Dela Cruz na isa siyang beterinaryo, sagot daw sa kaniya ng kausap, "“That’s fine. Hayop lang naman pasyente mo, while mine are humans. We could swap patients if you want.”

Trending

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'

"Natameme ako bigla sa sagot niya," saad na lamang ni Dela Cruz.

Ngunit ang sumunod na mga binitiwan nitong pahayag ay mas matindi pa, nang sabihin daw ng doktora na hindi siya nito tatawaging "doktor."

Pati raw ang mga nakarinig na pulis ay napaismid at napataas ang kilay sa nabanggit na doktora.

"So pinalampas ko lang yun and eventually, we came to an agreement on what needed to be done. Akala ko yun na ang pinaka magaspang na sinabi niya; meron pa pala."

"She asked, 'What’s your name again?' I replied, 'Cristopher Dela Cruz po, Doc.'"

"She said, 'I wouldn’t call you a doctor since you’re not on par with a real doctor.'"

"Ultimo yung mga pulis napaismid at tumaas pa ang kilay sa sinabi niya," saad sa post.

Pahayag pa ni Dela Cruz, wala raw sa kaniya ang mga "title" subalit pakiramdam niya, mababa ang pagtingin ng nabanggit na doktora sa mga kagaya niyang beterinaryo.

"I’m not particularly attached to titles—I couldn’t care less if people call me by my first name or nickname. Wala ako pake dun but I was shocked to encounter a doctor who would belittle another profession simply because they think highly of themselves. Feeling ko na left and right hook ako dun."

"She seemed like a nice person naman, but I guess she just looks down on vets like us."

DOKTOR DIN ANG MGA BETERINARYO

Iginiit din ni Dela Cruz ang mga beterinaryo ay mga doktor din— doktor ng mga hayop at para sa hayop. Kagaya ng mga karaniwang doktor ng mga tao at para sa tao, inaral din nila ang iba pang branches of science.

"I think this is the best opportunity to educate those who undervalue our profession. Veterinarians are also doctors. We study the physiology and anatomy of various animal species, along with microbiology, pathology, surgery, pharmacology, parasitology, immunology, and specialized fields like swine, ruminant, wildlife, feline, and canine medicine."

"Unlike human patients, animals can’t talk, so we rely heavily on clinical history, observation, symptoms, and lab results to make accurate diagnoses," giit ng beterinaryo.

Isa pang bagay, hindi raw dapat tawaging "Hayop Lang" ang mga hayop. Para sa karamihan lalo na ang mga nag-aalaga ng hayop o pets, sila ay miyembro ng pamilya. Ang iba, itinuturing pa ngang anak.

"And these animals are not 'just HAYOP.' Many pets are beloved family members, and livestock provide foods for all of us."

Kaya giit ni Dela Cruz, sana raw ay magkaroon ng respetuhan pagdating sa kani-kaniyang propesyon at huwag mangmaliit.

"This isn’t meant to undermine other professions, but rather to encourage MUTUAL RESPECT for each profession. Masyado nang magulo ang earth. ‘Wag na tayong dumagdag sa gulo nito. A little bit of kindness and respect can go a long way," aniya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"I can’t believe the nerve of that doctor! There’s no reason for anyone, especially another doctor, to be so condescending! As a fellow physician, I’m embarrassed to hear about this interaction—it’s exactly this kind of elitism that causes needless friction between professions..."

"I wonder how will she treat her patients kaya ? coz its easy for her to belittle someone with a profession how much more yong ordinary people."

"Security vs. Insecurity. It really shows on what you say or do. What others say and think about you doesn’t define you, rather it’s what defines them. You handled it well Doc!"

"In every field, in every street, iyan na yata ang norm these days... ang manlait, magmaliit ng kapwa. It's a cruel world, they used to say... but now it has become worst, more cruel!"

"she has total lack of empathy, a character you want when looking for a doctor."

Hindi naman nagbigay ng kaniyang panig ang tinutukoy na doktora, bagama't wala rin namang binanggit na anumang pagkakakilanlan o kung saang ospital siya nanggagamot.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 1.9k reactions, 974 shares, at 179 comments ang nabanggit na viral FB post.