December 09, 2024

Home SHOWBIZ

Tote bag ng BINI, binakbakan: 'Mas maganda pa bag ng ayuda!'

Tote bag ng BINI, binakbakan: 'Mas maganda pa bag ng ayuda!'
Photo Courtesy: BINI Maloi (IG)

Hindi nakaligtas sa mga puna at batikos ang pinakabagong merchandise ng BINI na tote bag dahil sa tila hindi magandang hitsura nito.

Sa Facebook page na may pangalang “Mga bagay na magpapanatili sa iyong mabuhay,” ni-reupload nila ang video ni BINI Maloi Ricalde kung saan ini-endorse niya ang naturang bag.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"kahit libre di ko kunin yan e"

Tsika at Intriga

Valentine, dinogshow si Maris: 'Kailangan talaga OOTD si Sadness?'

"Mas maganda pa bag ng Mr.DIY eh hahaha""Pang porma. Eh lagayan lang ng gulay yan pag namalengke"

"blink twice maloi if napilitan ka ipromote yan"

"Fan ako ng Bini pero sa totoo lang mas maganda pa bag ng ayuda binigay ni mayor Arlene dito sa laguna ""Parang nirecycle na sako lang"

"Iloveyou BINI but sorry! you really deserve a Good designer.. Ang mahal ng ticket at merch niyo pero ang panget talaga ng mga design ng merch :(("

"blink twice if u need help "

"THEY SET HER UP SO BAD"

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang tugon o pahayag ang management ng BINI hinggil sa nasabing isyu.