January 22, 2025

Home BALITA Internasyonal

Sikat na nagyeyelong Mt. Fuji sa Japan, hindi nag-snow matapos ang 130 taon

Sikat na nagyeyelong Mt. Fuji sa Japan, hindi nag-snow matapos ang 130 taon
Photo courtesy: AP file photo

Tila marami ang naalarma, matapos kumalat sa social media ang larawan ng sikat na Mt. Fuji sa Japan kamakailan, kung saan makikitang hindi pa rin nagyeyelo ang tanyag na bulkan.

Ayon sa isang international media outlet, kadalasan daw kasing nagsisimulang mag-yelo ang Mt. Fuji sa tuwing sasapit ang unang linggo ng Oktubre, ngunit, base sa mga larawang nagkakat sa internet, hanggang ngayon ay hindi pa rin nababalutan ng yelo ang nasabing bulkan.

Isa rin umano sa tinitingnang rason ng mga eksperto kung bakit naantala ang snow sa Mt. Fuji, ay dahil ngayong taon din umano naitala ang pinakamainit na temperatura sa Japan, na mas mataas daw ng three degrees Fahrenheit kumpara noong 1991 and 2020.

Sa panayam ng isang international media outlet sa Japan Meteorological Agency, tuloy-tuloy na pag-ulan at pag-init din anila ang isa sa mga maituturing na nakakaapekto sa kondisyon ng Mt. Fuji.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

“Because of the fact that high temperatures in Japan have been continuing since the summer and as it has been raining, there has been no snowfall,” anang ahensya.

Patuloy pa rin umano ang monitoring ng mga eksperto sa Mt. Fuji, bagama’t malinaw daw ang rason sa pagkaantala ng yelo sa naturang bulkan, lalo na ngayong buwan ng Nobyembre.

Kate Garcia