January 22, 2025

Home BALITA

PBBM, nagpasalamat sa mga loyalistang nagbigay-pugay sa yumaong ama

PBBM, nagpasalamat sa mga loyalistang nagbigay-pugay sa yumaong ama
Photo courtesy: Bongbong Marcos (FB)

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa mga kaanak, kaibigan, at loyalistang mga tagasuporta ng kanilang pamilya, sa pagbisita at pag-alala sa pumanaw na dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., sa Libingan ng mga Bayani, Taguig City, nitong All Saints' Day, Nobyembre 1.

Aniya sa kaniyang Facebook post, "Thank you to our family, friends and loyalists who joined us today to honor my father, President Ferdinand E. Marcos Sr."

"Your support and presence remind us of his enduring legacy and the profound love he had for our country."

"We will keep his memory alive in our hearts, carrying forward his dreams for a Bagong Pilipinas."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kasama ni PBBM ang sa pagdalaw ang kaniyang inang si dating First Lady Imelda Marcos nitong umaga.

Isang misa rin ang isinagawa ng pamilya para sa dating pangulo.

Matatandaang noong Setyembre 28, 1989, nang pumanaw si Marcos Sr. sa Hawaii, kung saan siya pinatalsik at ipinatapon pagkatapos magpataw ng Martial Law sa Pilipinas.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, binisita kaniyang ama sa Libingan ng mga Bayani

Bukod dito, nag-alay rin ng bulaklak ang pangulo sa mga puntod nina dating Senador Ninoy Aquino, dating Pangulong Cory Aquino at dating Pangulong Noynoy Aquino.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, nag-alay ng bulaklak sa puntod nina Ninoy, Cory at Noynoy Aquino