November 22, 2024

Home BALITA National

Nobyembre 4, National Mourning Day para sa mga biktima ni 'Kristine'—Malacañang

Nobyembre 4, National Mourning Day para sa mga biktima ni 'Kristine'—Malacañang
Photo Courtesy: PRO-Calabarzon (FB)

Idineklara ng Malacañang ang Nobyembre 4 bilang National Mourning Day para sa mga Pilipinong naging biktima ng bagyong Kristine.

Ayon sa Proclamation No. 728 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. nitong Sabado, Nobyembre 2, iminamandato sa lahat ng gusali ng gobyerno na itaas ang watawat ng Pilipinas mula bukang-liwayway hanggang takip-silim.

I, FERDINAND R. MARCOS, JR., President of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by the Constitution and existing laws. do hereby declare 04 November 2024 as a Day of National Mourning, in solidarity with the bereaved families and loved ones of those who perished due to the devastation brought by Severe Tropical Storm Kristine,” saad ng pangulo.

Dagdag pa niya: “The entire nation is requested to offer prayers for the eternal repose of the souls of the victims.”

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ayon sa naitalang ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council noong Oktubre 30, umabot sa mahigit isang milyong pamilya ang naapektuhan ng nasabing bagyo at 139 naman ang mga nasawi.