December 22, 2024

Home BALITA Probinsya

Nasa 4,000 mga labi, apektado ng konstruksyon sa isang sementeryo sa Cebu

Nasa 4,000 mga labi, apektado ng konstruksyon sa isang sementeryo sa Cebu
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Nakatakdang ilipat ng himlayan ang tinatayang 4,000 mga labi sa Humay-Humay Catholic Cemetery sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Ayon sa ulat ng GMA News, ililipat daw ang naturang mga labi, upang bigyang daan ang konstruksyon ng “apartment-style” na mga nitso, sa naturang sementeryo.

Ang Humay-Humay Catholic Cemetery ang pinakamalaking sementeryo sa Lapu-Lapu City, na nagkakanlong sa tinatayang 7,000 mga labi ng tao.

Nauna na raw ipagbigay-alam ng pamunuan ng sementeryo sa mga kaanak ng mga yumao ang nasabing plano, sa pamamagitan daw ng tarpaulin na kanilang ipinaskil sa lugar.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kabilang sa mga labing nakatakdang maapektuhan ng konstruksyon, ay ang ilang yumao na nasa mahigit tatlong taon na umanong nakahimlay sa nasabing sementeryo.

Kate Garcia