December 23, 2024

Home SHOWBIZ

'Nag-iisip ka ba?' Bea, sinita ng mga netizen dahil sa Halloween costume

'Nag-iisip ka ba?' Bea, sinita ng mga netizen dahil sa Halloween costume
Photo Courtesy: Mark Kingson Qua (FB)

Pinagsabihan ng mga netizen si Kapuso star Bea Alonzo dahil sa isinuot nitong Halloween costume na isa palang real-life murderer.

Sa buradong Instagram post ni Bea noong Biyernes, Nobyembre 1, makikitang kinopya niya si Lyle Menendez, kapatid ni Erik Menendez, na kapuwa umano pinatay ang kanilang magulang.

"Call me Lyle," saad pa umano sa caption.

Umani ng samu’t saring reaksiyon ang nasabing post mula sa mga netizen matapos maitampok sa “Fashion Pulis.” Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Glorifying a murderer. Isip isip din minsan Bea."

"Wrong move ka dyan Tita Bea"

"What happened to Bea? Whose smart idea was it for her to be this character for Halloween? Does she even know the story of that person?"

"Hoy Bea nag iisip ka ba?!"

"What were you thinking ate Bea?! My gosh."

"So Bea, gusto mo ang mamatay na taong character? ang daming gayahin iyan pa."

"In poor taste yun magdress as a convicted killer in real life."

Ayon sa mga ulat, pinatay umano nina Lyle at Erik noong Agosto 20, 1989 ang kanilang mga magulang dahil sa iba’t ibang uri ng abusong naranasan nila sa kamay ng mga ito.

Dahil sa nangyari, na-convict ng first-degree murder ang magkapatid at sinentensyahan ng habambuhay na pagkakakulong.

Pero sa kasalukuyan, pinag-aaralan pa rin umano ang apela nina Lyle at Erik pati ang hinihiling nilang "resentencing" ng kaso.

Ilang beses nang naitampok sa mga dokumentaryo at TV series ang kuwento ng magkapatid tulad sa season 2 ng anthology series na “Monster” ng Netflix.

Samantala, sa Facebook post naman ni Lyle noong Oktubre 29, nauna na niyang binalaan ang mga taong magtatangkang i-impersonate sila ng kapatid niya sa Halloween.

“Lyle and Erik are not characters.  They are real people who have been suffering trauma since the day they were born,” saad ni Lyle.

Dagdag pa niya: “Halloween is supposed to be fun. There is nothing fun about being a rape and child abuse survivor.”