December 23, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Mukha ng taong pumanaw na, inuukit sa tinapay ng local artist sa Bolivia

Mukha ng taong pumanaw na, inuukit sa tinapay ng local artist sa Bolivia
Photo courtesy: AP file

Kakaibang pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay ang naisipan ng isang Bolivian artist para sa kaniyang obra na isinabay sa taunang tradisyon ng Bolivia tuwing sasapit ang ika-2 ng Nobyembre.

Ang Bolivian artist kasi na si William Luna, ikinukurba at iniuukit ang mukha ng ilang yumaong indibidwal sa isang “tantawawa,” o tinapay. Ayon sa isang international media outlet, ang “tantawawa” ay isang tinapay na kanilang pinagsasaluhan, na parte ng tradisyon ng Bolivia sa tuwing ginugunita nila ang Araw ng mga Patay sa loob ng halos ilang siglo, na simbolo raw ng kanilang koneksyon sa mga namayapang mahal sa buhay.

Inspirasyon daw ni Luna sa naturang konsepto ang kaniyang namayapang ina. Taong 2017 nang una niya raw subukan na iukit sa tinapay ang mukha ng ina, at saka sinubukang ipakilala sa publiko ang kakaibang disenyo sa tantawawa.

“Families ask for the masks to resemble their deceased loved ones as closely as possible…, explains. I focus on each person’s distinctive features, as we all have something special that sets us apart,” ani Luna sa panayam sa media.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Matagal daw ang proseso nang paggawa ni Luna sa mga tinapay na iniuukitan niya ng mga mukha, na kalimitan daw inaabot ng halos isang linggo.

Ani Luna, mano-mano niyang hinuhulma ang mga mukha ng ilang yumao, bago ito muling ilapat sa isang plastic mold at saka pinturahan.

Sa pamamagitan ng kaniyang obra, layon daw ni Luna na muling maalala ng mga naulila ang kanilang mahal sa buhay.

Kate Garcia