December 09, 2024

Home FEATURES Human-Interest

‘Dimsum Starry Night?’ Puntod ng yumaong ama, pinabongga ng naulilang anak

‘Dimsum Starry Night?’ Puntod ng yumaong ama, pinabongga ng naulilang anak
Photo courtesy: Muros by Jae/Facebook

Nag-stand out ang isang puntod sa Pateros matapos itong muling pinturahan ng isang naulilang anak na may kakaibang disenyo para sa Araw ng mga Patay.

Sa Facebook post ng isang mural artist na si Jae Valencia noong Biyernes, Nobyembre 1, 2024, ibinida niya ang tinawag niyang “Dimsum on a Starry Night” na kaniyang iginuhit at ipinintura sa puntod ng kaniyang yumaong ama.

“Dimsum on a Starry Night. My yearly devotion to my late father since 2011,” saad ni Valencia sa caption.

Saad pa ni Valencia sa caption, inspirasyon daw ng nasabing disenyo, ang alalalang iniwan ng kaniyang ama. Aniya, hindi niya raw kasi malilimutan kung paanong ginigising daw sila nito kapag madaling araw sa tuwing nananalo ito sa tong-its at sabay yakag sa kanila upang kumain sa isang sikat na Chinese fast food chain.

Human-Interest

Kagaya ng toys: Mga kulay, genderless din giit ng mommy-vlogger

“Kaya til now may midnight cravings ako ng dimsum,” saad pa ni Valencia.

Ibinagi rin ni Valencia, na tila iba na rin daw ang lungkot ng Undas ngayon, lalo daw sa tuwing makakasalubong niya ang ilan sa kaniyang childhood friends, na nagluluksa at nawalan na rin ng mga mahal sa buhay.

“Yung iba kawawala lang ng family members medj mabigat na nandong era na kami.”

Kaya naman kaugnay nito, ay may iniwang bilin sa Valencia sa kaniyang post.

“Anyway, show the people you love that you love them habang anjan pa sila,” ani Valencia.

Kate Garcia