November 01, 2024

Home BALITA National

'Pinas, posibleng magkaroon ng 1 hanggang 2 bagyo sa Nobyembre

'Pinas, posibleng magkaroon ng 1 hanggang 2 bagyo sa Nobyembre
Courtesy: PAGASA/FB

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, Nobyembre 1, na isa hanggang sa dalawang bago ang posibleng pumasok o mabuo sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ngayong buwan ng Nobyembre.

Sa public weather forecast ng PAGASA, sinabi ni Weather Forecaster Benison Estareja na base sa kanilang average tracks, kadalasang nagla-landfall na ang mga bagyo tuwing Nobyembre sa Luzon, Visayas, at Caraga Region.

“Lumiliit na lamang po ang tsansa na lumilihis ito ng direksyon o nagre-recurve sa Philippine Sea,” saad ni Estareja.

May posibilidad din daw na itaas ang mabubuong bagyo sa bansa ngayong Nobyembre sa kategoryang “typhoon” o “super typhoon.”

National

Maynila, ‘most dangerous city’ sa buong Southeast Asia – Numbeo Crime Index

Samantala, pangangalanan namang bagyong Marce at Nika ang dalawang bagyong inaasahang pumasok o mabuo sa PAR. Ang mga ito ang magiging ika-13 at ika-14 bagyo para sa taong ito.

Matatandaang nito lamang ding Biyernes nang lumabas ng PAR ang ika-12 na bagyo sa bansa na bagyong Leon.

MAKI-BALITA: Bagyong Leon, humina na sa ‘severe tropical storm’; nakalabas na ng PAR