January 23, 2025

Home BALITA National

PBBM, nag-alay ng bulaklak sa puntod nina Ninoy, Cory at Noynoy Aquino

PBBM, nag-alay ng bulaklak sa puntod nina Ninoy, Cory at Noynoy Aquino
(Photo courtesy: Pres. Bongbong Marcos/FB; Lorenz Tanjoco/ Radyo Pilipinas/PTV)

Nag-alay ng bulaklak si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga puntod nina dating Senador Ninoy Aquino, dating Pangulong Cory Aquino at dating Pangulong Noynoy Aquino sa paggunita ng Undas nitong Biyernes, Nobyembre 1.

Base sa video na inilabas ng Radyo Pilipinas, makikita ang mga puntod ng yumaong pamilya Aquino sa Manila Memorial Park.

Nito lamang din namang Biyernes ng umaga nang magpunta si PBBM, kasama ang inang si dating First Lady Imelda Marcos, sa Libingan ng mga Bayani upang bisitahin ang puntod ng amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

MAKI-BALITA: PBBM, binisita kaniyang ama sa Libingan ng mga Bayani

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Matatandaang may hindi magandang kasaysayan ang mga Marcos at Aquino sa bansa,

Naging senador ng 7th Congress, naging hayagang kritiko si Ninoy sa panunungkulan ni Marcos Sr.. Pinaslang siya noong Agosto 21, 1983 sa Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport), kung saan hanggang ngayo’y hindi pa natutukoy ang salarin sa kaniyang pagkamatay.

Samantala, ang naturang pagpaslang kay Ninoy ang kalaunang nagbunsod sa makasaysayang EDSA People Power Revolution noong 1986 at nagpatalsik kay Marcos Sr. sa Malacañang.