December 23, 2024

Home BALITA National

PBBM, binisita kaniyang ama sa Libingan ng mga Bayani

PBBM, binisita kaniyang ama sa Libingan ng mga Bayani
Photo courtesy: Darryl John Esguerra/Philippine News Agency

Binisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang puntod ng kaniyang yumanong amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani nitong Undas, Nobyembre 1, 2024.

Kasama ni PBBM ang sa pagdalaw ang kaniyang inang si dating First Lary Imelda Marcos nitong umaga.

Isang misa rin ang isinagawa ng pamilya para sa dating pangulo.

Matatandaang noong Setyembre 28, 1989, nang pumanaw si Marcos Sr. sa Hawaii, kung saan siya pinatalsik at ipinatapon pagkatapos magpataw ng Martial Law sa Pilipinas.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Samantala, sa isang pahayag nitong Huwebes, Oktubre 31, sinabi ni PBBM na ang Undas, o All Saints’ Day (Nobyembre 1) at All Souls’ Day (Nobyembre 2), ay panahon ng pagninilay-nilay kung saan inaalala ang mga yumaong mga mahal sa buhay at mananampalatayang namuhay nang may karangalan, sakripisyo, at paglilingkod.

MAKI-BALITA: PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’