November 23, 2024

Home BALITA National

Bagyong Leon, humina na sa ‘severe tropical storm’; nakalabas na ng PAR

Bagyong Leon, humina na sa ‘severe tropical storm’; nakalabas na ng PAR
Courtesy: PAGASA/FB

Humina at ibinaba na sa “severe tropical storm” category ang bagyong Leon at nakalabas na rin ito sa Philippine area of responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Biyernes ng umaga, Nobyembre 1. 

Base sa tala ng PAGASA kaninang 5 ng umaga, huling namataan ang sentro ng Severe Tropical Storm Kong-rey (dating Leon) 550 kilometro ang layo sa North Northwest ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 140 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pahilaga sa bilis na 20 kilometers per hour.

National

De Lima kay VP Sara: ‘Kung magnakaw wagas, kapag pinapaliwanag andaming hanash!’

Dahil sa paghina at paglayo ng bagyo sa PAR, wala nang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signals sa alinmang bahagi ng bansa.

Inaasahang magtutungo ang bagyo sa East China Sea, at patuloy pa itong hihina sa buong forecast period dahil sa unfavorable environmental conditions.