November 23, 2024

Home BALITA National

PBBM sa gitna ng pananalasa ng ‘Leon’: ‘We remain in full control’

PBBM sa gitna ng pananalasa ng ‘Leon’: ‘We remain in full control’
(Photo courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB)

Siniguro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Pilipino na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng disaster management efforts sa gitna ng pananalasa ng bagyong Leon sa bansa.

“I assure the Filipino people that the government is ably handling all disaster management efforts. We remain in full control,” ani Marcos sa isang X post nitong Huwebes, Oktubre 31.

“Our resources and personnel may be stretched due to the impact of typhoons on multiple fronts. Nevertheless, we have sufficient assets to mitigate the worst impact, recover from the wreckage, and rebuild stronger than before,” dagdag niya.

Sinabi rin ng pangulo na tuloy-tuloy ang relief at recovery efforts ng pamahalaan sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Kristine, habang patuloy naman daw ang kanilang paghahanda para sa Bagyong Leon.

National

De Lima kay VP Sara: ‘Kung magnakaw wagas, kapag pinapaliwanag andaming hanash!’

“All agencies and instrumentalities of government remain on full alert, and remain ready to deploy aid wherever it may be needed,” saad ni Marcos.

Base sa 11 AM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sentro ng bagyong Leon 155 kilometro ang layo sa hilagang bahagi ng Itbayat, Batanes.

Bagama’t ibinaba na sa “typhoon” category ang bagyo, nakataas pa rin sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3, 2, 1 ang ilang mga lugar sa Luzon.

MAKI-BALITA: Leon humina na, ibinaba sa ‘typhoon’ category

Samantala, bago ang pananalasa ng “Leon” ay sinalanta ng “Kristine” ang ilang bahagi ng bansa, kung saan base sa tala ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Miyerkules, Oktubre 30, umabot na sa 145 katao ang mga nasawi dahil sa dalawang bagyo.