Humina at ibinaba na sa “typhoon” category ang bagyong Leon habang papalapit ito sa Southern Taiwan, ayon sa 11 AM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Huwebes, Oktubre 31.
Base sa tala ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong Leon 155 kilometro ang layo sa hilagang bahagi ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 215 kilometers per hour.
Kumikilos pa rin ang bagyo pa-northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:
Signal No. 3
Batanes
Signal No. 2
Babuyan Islands
Signal No. 1
Mainland Cagayan
Isabela
Apayao
Abra
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Northern portion ng Benguet (Mankayan, Bakun, Buguias)
Ilocos Norte
Ilocos Sur
Ayon sa forecast track ng PAGASA, magla-landfall ang bagyong Leon sa eastern coast ng Taiwan sa mamayang tanghali.
Patuloy pang hihina ang Leon sa forecast period due dahil sa “marginally favorable environment” at “increasing land interaction” sa Taiwan.
Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo mamayang gabi o bukas ng madaling araw, Nobyembre 1.