October 31, 2024

Home BALITA Probinsya

Isa sa mga pinakalumang simbahan sa Itbayat, Batanes, sinira ng ‘Leon’

Isa sa mga pinakalumang simbahan sa Itbayat, Batanes, sinira ng ‘Leon’
(Photo courtesy: Holden Cultura via Cagayan PIO/FB)

Nasira ang Santa Maria de Mayan Church, isa sa mga pinakalumang simbahan sa Itbayat, Batanes, dahil sa hagupit ng bagyong Leon.

Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Oktubre 31, ibinahagi ng Cagayan Provincial Information Office (PIO) ang ilang mga larawan ng Santa Maria de Mayan Church kung saan makikitang nagiba ang ilang bahagi ng bubong nito.

“Hindi nakaligtas sa hagupit ng bagyong Leon ang Santa Maria de Mayan Church, isa sa pinakalumang simbahan sa bayan ng Itbayat Batanes,” anang Cagayan PIO sa nasabing post.

Itinuturing na isa sa pinakamatandang simbahan sa Itbayat, itinayo ang Santa Maria de Mayan Church noong 1853. Taong 2019 nang una itong mapinsala dahil sa magkasunod na magnitude 5.4 at magnitude 5.9 na mga lindol, na sinundan ng aftershocks.

Probinsya

Robredo, sinuong baha sa pamimigay ng relief goods sa Naga

Samantala, kasalukuyang nakataas sa Signal No. 3 ang buong lalawigan ng Batanes dahil sa bagyong Leon na humina na mula super typhoon patungong typhoon category.

Base sa 11 AM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sentro ng bagyong Leon 155 kilometro ang layo sa hilagang bahagi ng Itbayat, Batanes.

MAKI-BALITA: Leon humina na, ibinaba sa ‘typhoon’ category