Pinangunahan ng delegasyon ng Pilipinas, kasama si Unang Ginang Louise "Liza" Araneta-Marcos, ang pagsisimula ng kauna-unahang ministerial-level International Conference on Women, Peace, and Security (ICWPS) sa Philippine International Convention Center sa Lungsod ng Pasay noong Oktubre 28, 2024.
May temang “Forging Collaboration and Convergence for Advancing Women, Peace, and Security,” binibigyang-diin ng ICWPS ang kapangyarihan ng interregional na mga network para sa pagpapalitan ng karanasan at pinakamahuhusay na praktika at pagharap sa mga hamon para sa makabuluhan at masusing partisipasyon, representasyon, at pamumuno ng kababaihan sa pagtataguyod ng kapayapaan, sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga lider, eksperto, tagapagtaguyod, at mga stakeholder ng WPS mula sa iba’t ibang panig ng mundo.