October 31, 2024

Home BALITA National

De Lima kay Hontiveros: ‘Dapat mas dumami pa ang mga lider na katulad mo’

De Lima kay Hontiveros: ‘Dapat mas dumami pa ang mga lider na katulad mo’
(Photo courtesy: Ex-Sen. Leila de Lima/FB)

“A woman unafraid to fight.”

Ipinaabot ni dating Senador Leila de Lima ang kaniyang paghanga para kay Senador Risa Hontiveros na nakasama niya kamakailan sa Senate hearing hinggil sa madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Oktubre 31, nagbahagi si De Lima ng ilang mga larawan kasama si Hontiveros sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa drug war noong Lunes, Oktubre 28, kung saan nagsilbi siyang resource person.

“It was a joy to reconnect with you during the recent Senate hearing, Senator Risa Hontiveros,” ani De Lima.

National

Leon humina na, ibinaba sa ‘typhoon’ category

Ayon sa dating senador, hindi raw matatawaran ang “pag-asa at tibay na hatid ng mga kakamping” katulad ni Hontiveros.

“Hindi ka lang basta senador; you’re a voice for truth, courage, and justice. For years, you have been at the forefront, holding your ground even when the challenges were great. Mula kay Alice Guo, kay Quiboloy, hanggang sa nakaraang War on Drugs hearing, you have shown up as the last person standing—a woman unafraid to fight for what’s right,” saad ni De Lima.

“Sa bawat pagkakataon, ipinakita mo kung ano ang tunay na serbisyo: hindi nagpatinag, walang kinilingan, at laging nasa panig ng batas at hustisya. Dapat mas dumami pang mga lider na katulad mo—mga lider na handang lumaban para sa mga Pilipino. Kahanga-hanga ka, Sen. Risa!” dagdag pa niya.

Matatandaang sa nasabing pagdinig ay binigyang-diin ni Hontiveros ang muli niyang pagkondena sa Oplan Tokhan habang nakaharap mismo ang dating pangulo.

MAKI-BALITA: Sen. Risa habang kaharap si Ex-Pres. Duterte: ‘There is no honor in punishment like tokhang!’

Ilang beses pinuna ni Hontiveros ang mga pagmumura ng dating pangulo. Humingi naman ng paumanhin si Duterte kay Hontiveros at sinabing “sensitive” ito, na inalmahan din ng senadora.

MAKI-BALITA: Sen. Risa habang kaharap si Ex-Pres. Duterte: ‘There is no honor in punishment like tokhang!’